My High School Fairytale II : Chapter 23

304 4 2
                                    

"K,pahiram naman ng Math notebook mo oh,hindi ko kasi nakopya yung lesson kanina" Nagpa puppy eyes pa si Cecille

"Pano ba naman kasi, busy ka sa kakadrawing mo" saway ni Krizza "Next time,ilagay mo sa lugar yang pagddrawing"

"Yes Mommy..." pabirong sagot ni Cecille dito habang naka pout pa.

Papunta na sila sa Major classes nila ng hapon na iyon.

Napahinto sila sa gym ng tumigil sa paglalakad si Krizza para kunin sa bag niya ang math notebook na hinihiram ni Cecille.

Napahinto din sa pagtetext niya si Mikaella ng mapadako ang tingin niya sa loob ng gym.

At napatanga siya ng makita niya si JJ...

at si Teresa na nakapulupot ang mga kamay sa leeg ng una.

Napakurap siya ng ilang beses at napailing.

Narinig na lang niya na tinatawag siya ni Krizza at Cecille kaya naman dire diretso siya sa paglalakad at hindi niya napansin ang taong nasa harap niya.

"Sabi ko di ba na tumingin ka sa dinadaanan mo..." ~ Krizza

"Ay sorry." napatingala naman si Mikaella sa nabangga niya at nakita ang nag-aalalang mukha ni Jason

"Ok ka lang ba Ella? Masakit ba?" tanong nito ng mapansin nito na nakahawak siya sa noo niya

"Ay hindi,masarap!" napipikong sagot niya dito, maliban kasi sa bumibilis na naman ang tibok na puso niya eh tinatanong pa siya nito ng obvious na bagay.

Napataas naman ang kaliwang kilay nito at napangisi "Talaga? Ulitin natin"

Itinaas naman niya ang kamao niya sa mukha nito "Subukan mo.Tabi nga dyan!" sabay tulak niya dito habang tawa naman ng tawa ang huli.

"Ikaw kasi,ba't hindi ka nag-iingat?" ~ Cecille

Ang dami-dami pang sinasabi ng mga kaibigan niya na hindi niya na naintindihan dahil hindi naman talaga niya pinapakinggan.Nang lumingon siya sa kinatatayuan ni Jason ay andun pa rin ito.

Nakatuon ang tingin sa loob ng gym.

Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa niya at isinend ang message na kanina pa dapat niya isesend.

To: +63938*******

'Ok.See u'

...

"Ui,Magsskip ka ba talaga ng major?" ~ Yohann

"Oo,ibigay mo na lang 'to kay Sir" sagot ni Jason kay Yohann pagkatapos niyang itali ang sintas ng rubber shoes.

Inabot niya kay Yohann ang isang canvas.

"Tapos mo na ba 'to?" 

"Hindi pa. Ipapacheck ko pa lang sa kanya yan pero sabihin mo na bukas ko na kukunin"

"Sige. Pero... Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong sa kanya ni Yohann. Nag-aalala pa rin ito sa kanya.

Isinukbit niya ang bag at pinagpag ang suot niyang P.E Uniform.

"Oo."

...

Gym

*Prrrrtttt!!!*

Napalingon si JJ sa pinaggalingan ng bola at nabitawan nya ang hawak na pito na nakasling sa leeg niya,mabilis at malakas ang pagkakahagis ng bola kaya naman medyo nagulat siya pero nasalo niya pa rin ang bola bago tumama sa mukha niya.

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon