My High School Fairytale II : Chapter 18

381 5 0
                                    

Mikaella's POV

"Uh-oh...This is not good" lumapit kaming lahat kay Krizza para tingnan ang tinitingnan niya sa bulletin board.

Lamang lang ang Versatile Sci.Arts sa Robust Sports ng ilang points ayun sa scoreboard.

Napabuntung-hininga kaming apat.

Tsk.

Pa'no ba naman kasi,hakot award ang Robust Sports sa Sports,

Ang Sci. Arts eh sa Academics at sa pop shows.

At ang Pageant ngayong Sabado ang magiging decision point.

Ibig sabihin,kailangang manalo ang candidates namin.

"Ella! Sila na lang ang pag-asa natin!" hinawakan pa ako ni Cecille sa balikat at iniharap niya ako sa kanya.

Tinitigan ko siya sa mga mata at sabay kaming tumango.

"Fighting!" sabay naming sigaw

"Ah...guys? Shouldn't we start moving? Like right now?" tawag ni Krizza sa pansin namin

"Ah..hehehe...Honga pala"

Bukas na ng gabi ang pageant, hawak-hawak pa namin ang ibang gamit na kailangan para makumpleto ang custome.

"Ella!!!" tumakbo palapit sakin si Marie at niyakap ako pagdating na pagdating namin sa classroom ng 4th year Science Curriculum.

Iyon kasi ang quarter namin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Si Jasper kasi..." humihikbi na ito

Inilayo ko siya ng kaunti sa akin para makita ko ang mukha niya, kinuha naman ni Cecille ang mga gamit na dala ko at inayos ito sa isang sulok.

Nandun din ang ibang estudyante na kasali sa Pageant committee.

"Anong nangyayari dito?" napalingon ako sa lalaking nagsasalita habang hinahagod ko ang likod ni Marie

"Ah...ikaw pala Adrian..." siya ang President ng buong Science Curriculum "hindi ko alam eh. hindi pa kasi siya nakakapagsalita ng maayos"

Iniabot niya ang isang bottled water kay Marie.

"S-salamat" humihikbi pa rin si Marie habang nagpapasalamat dito.

Tinanguan ako ni Adrian,halatang worried ito "I hope you can do something about it. Bukas na ang pageant, sila na lang ang pag-asa natin"

Tinanguan ko din siya "Sige"

Pagkaalis ni Adrian ay hinila ko sa isang sulok si Marie

"...tapos umalis na siya bigla...hindi ko na alam..ewan..." ~ Marie

"Uminom ka muna ng tubig at mag inhale-exhale ka,ok?" hindi ko kasi naiintindihan ang sinasabi niya

"S-si Jasper...I think he's breaking up with me" umiyak na naman ito

Oh.

My.

G.

Kinuha ko ang bottled water na hawak niya,at inisang lagok ang laman niyon.

Don't tell me na poproblemahin ko pa 'to?

>.<

"Haaaaaaaaiiii!"

My High School Fairytale II : Love Lifts (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon