Kabanata 46

4K 150 9
                                    

Kabanata 46

Face



"Vien, 'wag kang mahiya, okay? Sanayin mo na ang sarili mo."

Napakurap ako sa sinabi ni Ma'am Camille. Hindi ako kapaniwala. Hindi naman ito ang unang beses na kasama nila akong kumain sa hapag, pero iba na ngayon. Hindi bilang kasambahay.

Kahit maganda naman ang pakikitungo nila saakin, hindi ko mapigilang hindi mailang lalo na halos kumpleto silang lahat na naghahapunan ngayon, si Chase na lang ang kulang.

"Vien, I'm sorry if I sent Chase to the States." si Sir Jared na nakaupo sa pinakagitna. Nasa tabi niya si Ma'am Alejah na ngumiti lang saakin.

"Daddy, bakit hindi mo na lang patawarin si Chase nang matapos na ito." si Chazlene na nasa kabilang side naman ni Sir Jared.

"He should learn his lesson, Chaz," si Sir Jared ulit, "Besides, kahit hindi naman nangyari ang lahat ng ito, balak ko na talaga siyang ipadala sa States kasi siya lang ang maaasahan sa ngayon," bumaling ito ulit saakin matapos iyun, "I'm sorry again about that."

Ngumiti ako, pero dahil sobrang awkward ng pakiramdam kong kaharap ko sila ngayon, naging pilit na ngiti iyun.

"W-Wala po iyun, S-Sir."

"Vien," si Ma'am Alejah, "Nakalimutan mo na ang sinabi ko? Sanayin mo na ang sarili mong tawagin kaming Tita at Tito. Parte ka na ng pamilya namin."

"Mom and Dad are better, Mom," si Chazlene, "May anak na sila Chase at mahal nila ang isa't isa. Kasal na lang ang kulang, okay na!"

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi ni Chazlene.

"Sabi ko nga sa kanya. Pero alam kong naiilang pa siya, kaya Tita and Tito are fine for now," binalingan nito ang inosente kong anak na katabi niya, "'Di ba?" sabi pa nito saka nito nakangiting pinanggigilang pisilin ang pisngi ni Cassy.

Naging malalim pa ang usapan. May mga bagay-bagay silang tinanong saakin. Isa na ruon ang tungkol sa pamilya ko.

"Ang Papa ko po, may manukan at gulayan. Ang Mama ko naman po, nagluluto po siya ng mga kakanin tapos binebenta niya po sa mga bahay-bahay. Iyun lang po ang kabuhayan namin sa probinsiya kaya kaming magkakapatid, sa kagustuhan naming tumulong, pumunta kami rito sa syodad para magtrabaho. Lalo na po ako, gusto nilang pag-aralin ako pero sa kagustuhan kong makatulong, mas pinili ko pong magtrabaho sa murang edad. Hanggang sa makilala ko po si Chase.."

Napalunok ako. Lahat ng atensyon nila nasa akin maliban sa mga batang may mga sariling mundo. Kahit si Calex na parang walang pakialam sa mundo nuon, nakatutok din ang mata saakin habang nagsasalita ako.

"Did Chase court you? Or he just.."

Tumango ako sa tanong ni Ma'am Alejah, "Opo. Sa totoo lang po. Nung una ayoko sa kanya. Alam ko kasi ang ugali niya.."

"Yeah. Playboy." singit ni Calex bigla bago sumimsim ng tubig.

Tumango ako at nginitian ko lang siya bago nagpatuloy, "Bukod duon, ex niya 'yung anak ng amo kong pinagtatrabahuan ko nuon na naging kaibigan ko na rin. Pero masyado po siyang makulit hanggang sa nakuha niya rin loob ko. Hanggang nangyari na nga iyun."

Tumigil ako sandali at suminghap nang maalala ko ang nangyari.

"S-Sinabi ko po sa kanya na buntis pa ako pero.." napatigil ako ulit dahil hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin. Kahit napatawad ko na si Chase tungkol sa bagay na iyun, sumisikip pa rin ang dibdib ko tuwing naaalala ko ang bagay na iyun.

Napakurap ako nang hawakan ni Ma'am Alejah ang kamay ko, "It's okay, Vien. 'Wag mo nang ituloy. Alam na namin ang nangyari matapos iyun kaya hindi mo na kailangang magkwento."

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon