Kabanata 10

7.8K 235 13
                                    

(Note: heto na. Sorry sa paghihintay. Tulad ng sinabi ko, kapag wala akong update ibig sabihin, wala akong net 😂 Ang mahal kasi ng load na ni-lo-load ko sa pocket WiFi lol)

Kabanata 10

Mad

'SAKTONG paglabas ko galing kusina, nakita kong magkasamang bumababa ng hagdan si Niccolo at Chase. May sinasabi si Niccolo rito pero ang mga mata nito nakadirekta saakin. Pinigilan ko ang sarili kong ikutan siya ng mata bago ko iniwas ang tingin sa kanya.

"Vien!"

Nasa pintuan na ako nang marinig ko ang pagtawag ni Niccolo sa pangalan ko. Naiirita ko siyang nilingon na agad niyang ikinatawa nang marahan.

"Wala pa nga akong sinasabi sinusungitan mo na agad ako," inikutan ko lang siya ng matang ikinatawa niya, "Gusto ko lang magpaalam. Aalis na ako. It was nice to see you again after almost six years."

"Then hindi ako natutuwang makita ka ulit after six years," sabi ko pero ang totoo, ibang tao ang pinatatamaan ko nito. Ang taong nasa likuran niya na matamang nakatitig saakin, "Kung wala ka nang sasabihin, alis na ako." dagdag ko saka ko sila tinalikuran. Narinig ko pa ang halakhak ni Niccolo.

"Tangna. Ang sungit niya, pare." iyun ang huling narinig ko kay Niccolo na nagpaikot ng mata ko bago ako tuluyang makalabas ng bahay para magtapon ng basura. Hindi nagtagal, namalayan ko na lang ang tuluyang pag-alis ng sasakyan nito.

Huminga ako nang malalim saka ako bumalik sa loob. Kaso nasa pinto palang ako napatigil na ako nang sumalubong saakin ang seryosong titig ni Chase saakin. Kagaya nang dati, tinumbasan ko ng parehong titig ang titig niya.

"Mama!"

Pareho kami nang naging reaksyon nang marinig namin ang umiiyak na tawag saakin ni Cassy. Parehong nanlaki ang mata namin sa gulat. Agad akong kinabahan. Nang muli kong marinig ang umiiyak na tawag ni Cassy saakin, mas nauna pang kumilos si Chase saakin. Tinakbo niya ang kinaruruonan ng sigaw ni Cassy. Agad naman akong sumunod dito.

Nang makarating kami sa labas ng bahay, nadatnan namin si Cassy na nakaupo sa damuhan, umiiyak at sapo-sapo ang tuhod nitong dumudugo dahil sa sugat na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

Natauhan ako nang biglang magmura nang malutong si Chase at walang pasubaling binuhat nito ang umiiyak na si Cassy at lumakad papasok sa loob. Kaagad naman akong natatarantang sumunod sa kanila.

"Manang! 'Yung first aid kit po! Pakikuha!" maging ako halos mapaigtad sa lakas ng sigaw nito na um-echo pa sa loob mansion.

Pagkarating namin sa sala, agad niyang inupo si Cassy sa sofa. Umupo naman siya sa harapan nito. Nakita ko pa ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa sugat ni Cassy at ang mahinang pagmumura nito.

Mayamaya umiiyak na tiningala ako ni Cassy, "Mama. Ang sakit po, Mama."

Bago pa ako makapagsalita naunahan na ako ni Chase, "It's okay, princess. You'll be fine, hmm?" napalunok ako sa paraan ng tinging ibinibigay nito sa anak ko. Masuyo pa nitong pinunasan ang luha ni Cassy.

Pagdating ni Manang Rosie dala-dala ang first aid kid na hinihingi ni Chase, kaagad niya itong kinuha. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan siya habang ginagamot ang sugat ni Cassy. Sa tuwing iiyak si Cassy sa hapdi sa bawat dampi ng bulak, hinihipan niya ang sugat nito saka ikakalma. Hanggang sa unti-unti nang tumahan si Cassy. Matapos linisan ni Chase ang sugat nito, siya na rin ang naglagay ng plaster sa sugat nito. Nakita ko pa ang paghugot ng hininga nito saka nito nakangiti nang tipid na tumingin sa mukha ng anak ko.

"Masakit pa?" masuyo niyang tanong sa anak ko.

Umiling si Cassy, "Hindi na po. Ginamot niyo na po 'e," kapagkuwan ngumiti ito na parang walang inindang sakit kanina, "Thank you po."

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon