Kabanata 4

8.4K 232 22
                                    

Kabanata 4

Sanmiego

"SAAN kayo nanggaling?"

Bahagya akong nagulat nang madatnan ko si Ate Paula sa loob ng bahay pagdating namin. Kapagkuwan napatingin ako sa wall clock. Nakita kong ala una palang nang hapon.

"Ang aga mo naman, Ate. May nangyari ba?" tanong ko nang ibalik ko ang atensyon sa kanya.

"Nagkaruon ng sunog sa factory. Hindi naman malala. Naupala kaagad. Pero pinauwi pa rin kami nang maaga ng boss namin," sagot nito. Kapagkuwan tinaasan ako nito ng kilay, "So, saan ba kayo nanggaling at kagagaling lang sa sakit 'yang anak mo isinama mo na? Hindi ka ba nag-iisip? Paano kung mabinat 'yan? Iiyak ka na naman kapag nagkasakit 'yan?" sermon nito saakin.

Napanguso ako at napakamot sa ulo. Kahit kailan talaga ang sungit nito. Kaya siguro walang nakakapasang manliligaw rito kahit maganda 'e. Himala na lang nang makita ko siya nang nakaraan na may katawagan sa cellphone at ngingiti-ngiti pa. Hmm. Sino kaya 'yun?

"Anong ngingiti-ngiti mo na naman diyan?" agad kong itinikom ang bibig kong hindi ko namalayang ngumingiti na pala dahil sa naalala. Kapagkuwan tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa, "Naku, Lucille Havien, tigilan mo ako. Alagaan mo nga nang mabuti 'yang anak mo." matapos ng pagsusungit nito tinalikuran na niya kami. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Napatigil lang ako nang maramdaman ko ang titig ni Cassy saakin kaya napatingin ako rito.

"Ang sungit ni Tita Pau, 'no?"

Tumango naman ito na mas lalo kong ikinatawa.

Kinagabihan, sa gitna ng hapunan namin saka ko palang sinabi kay Ate Paula ang napag-usapan namin ni Chazlene.

"Sigurado ka na ba diyan?" tanong niya matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yun.

Nagkibit balikat ako, "Wala na akong choice, Ate. Wala na namang tumatanggap sa undergrad na tulad ko. At tsaka mukhang mabait naman 'yung magiging amo ko. Mabait 'yung anak 'e."

Hindi kaagad ito nagsalita at napasulyap kay Cassy bago muling tumingin saakin, "Paano naman ang anak mo? Iiwan mo rito sa apartment?"

Napangiti ako, "'Yun nga ang nakakatuwa, Ate. Kapag natanggap ako sa trabaho, pumapayag 'yung anak ng amo kong dalhin ko si Cassy. Doon daw kami titira."

"Siguraduhin mo lang na aalagaan mo si Cassy dun ah."

Nakangiti akong tumango sa pagpayag niya. Hindi ko talaga inaasahan na papayag siya. Akala ko hindi siya papayag na dalhin si Cassy sa pagtatrabahuan ko. Akala ko pipilitin na naman niya akong ibalik ito sa probinsiya namin.

Kinabukasan, halos gusto kong magtatalon sa tuwa nang makatanggap ako ng message galing kay Chazlene.

Chazlene:

Mommy already said 'yes'. And she wants to meet you today so ready yourself 'cause I will fetch you later. Send me your address btw.

Matapos kong i-send ang address kay Chazlene ng apartment namin nakangiti kong ibinalita kay Ate Paula na natanggap na ako sa trabaho.

"Ano pang hinihintay mo? Asekasuhin mo na ang gamit mo."

Hindi ko agad sinunod ang sinabi niya. Hindi ko napigilang yakapin siya, "Ate, salamat sa pagpayag. Ma-mi-miss ka namin ni Cassy." sabi ko saka ko siya nakangiting hinarap. Napadaing lang ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Baliw. Makapagpaalam ka naman parang hindi na tayo magkikita," irap nito na ikinanguso ko, "Dalawin niyo ako ni Cassy kapag day off mo ha?"

Nakangiti akong tumango. Matapos 'yun pumasok na ulit ako sa kwarto namin ni Cassy para asekasuhin ang gamit namin. Mahigit tatlumpung minuto ang nakalipas nang dumating si Chazlene sa apartment para sunduin kami. Hindi ko na siya naipakilala kay Ate Paula dahil mas nauna itong umalis saamin at wala na ito nang dumating si Chazlene.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon