Kabanata 27

3.7K 116 5
                                    

Kabanata 27

Mine


Can you love me the way I do?

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nagpabalik-balik ang salitang iyun sa isipan ko, maging ang halik ni Chase na natigil lang nang biglang pumasok si Marie na nagulat pa nang maabutan niya kaming nasa ganuong posisyon. Kaya ngayon kinukulit ako ni Marie tungkol sa nangyari.

"Oh ano, masarap bang humalik si Sir Chase?" bulong nito saakin at humagikhik pa ito pagkatapos.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ko ipinagpatuloy ang pagdidilig ng halaman sa bakuran ng bahay. Samantala, patuloy ang pangungulit saakin ni Marie.

"Kung ako iyun? Hindi ko hahayaang halik lang baka umabot kami sa kama," nakangiwi ko siyang binalingan. Nakita kong kagat-kagat niya ang ibabang labi niya habang nakapikit, "At iyung braso at dibdib niya ang sarap sigurong -" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tinapat ko sa paa niya ang hose na hawak-hawak ko kaya natigil siya sa pagdi-daydream at pagnanasa kay Chase.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Tumigil ka."

Ngumiti siya nang alanganin, "Ito naman. Nagbibiro lang naman." sabi niya saka niya ipinagpatuloy ang pagwawalis niyang hindi matapos-tapos dahil sa kadaldalan niya.

Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy na rin ang pagdidilig, pero muli kong naramdaman si Marie sa likuran ko.

"Pero matanong ko lang. Noong ginagawa niyo si Cassy, anong pakiramdam na nasa ibabaw mo si Sir Chase at umiindayog? Masarap ba-"

"Marie!" pinandilatan ko siya dahil sa mga sinasabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil duon, "I-isa pa! Babasain na kita!"

Pero tinawanan niya lang ako. Napansin niya yatang bigla akong nailang sa pinagsasabi niya kaya babasain ko na sana siya nang tatawa-tawa siyang tumakbo papalayo saakin.

Nang mawala siya sa paningin ko, napabuntong hininga na lang ako at muling pinagpatuloy ang ginagawang pagdidilig ng halaman. Pero wala pang limang minuto, naramdaman kong may tao sa likuran. Sa pag-aakalang si Marie ito, humarap ako sa kanya at itinapat ko ang hose dito.

"Sinabing tumigil ka na-"

"Oh shit!"

Napatigil ako sa gulat nang makita ko kung sinong taong iyun. Nang matauhan ako kaagad kong iniwas sa kanya ang hose na nakatapat sa kanya.

"S-sorry. H-hindi ko sinasadya."

Nanginig ang labi ko sa sobrang pagkataranta at hindi ko alam kung anong unang gagawin nang makita kong basang-basa ang suit na suot ni Chase na mukhang ready na sanang umalis para magtrabaho.

Mas kinabahan ako nang hindi siya nagsasalita. Mariing nakapikit ang mga mata nito, halos magsalubong ang kilay nito sa sobrang riin. Napangiwi ako at inihanda ko na ang sarili ko sa sigaw at galit niya nang bigla itong tumawang bahagya kong ikinagulat. Ilang segundo pa akong tulala sa mukha niya dahil ngayon ko lang ulit siya nakita at narinig na tumawa.

Ilang sandali pa, natatawa pa rin itong nagmulat ng mata. Napatingin sa suit niya saka siya naiiling na tumingin saakin, naka-half smile pa rin.

"Ganyan ka na ba kagalit saakin?" sabi niya mayamaya.

Ilang segundo pa ako nakatulala sa mukha niyang wala nang bahid ng lungkot gaya ng mga nakaraang araw. Nang matauhan ako, tumikhim ako at tumayo nang maayos.

"Hindi ko naman sinasadya at hindi naman ako galit sa'yo-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang inisang hakbang niya lang ang pagitan namin, "Talaga? Hindi ka na galit saakin?"

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon