Kabanata 16

7.6K 196 5
                                    

Kabanata 16

Dream

"I AM still pursuing my queen, Kael."

Hindi ko alam kung ilang beses 'yun um-replay sa utak ko matapos kong marinig ang salitang 'yun mula sa hinayupak. Kapagkuwan, huminga ako nang malalim saka ko ipinilig ang ulo ko.

'Wag mong pakaisipin 'yun, Vien. Hindi ka ang tinutukoy niya. Malay mo si Faye.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa naisip ko. Sa naisip kong si Faye ang tinutukoy niya. Bakit ba ako naiinis? Anong pakialam ko?

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto na ikinaigtad ko sa gulat lalo na nang bumungad saakin ang mukha ng hinayupak. Tulad ko, bahagya rin itong nagulat nang makita ako pero kapagkuwan, inilabas na naman nito ang pilyong ngiti niya, ganun din ang emosyon sa mga mata nito.

"Akala ko hindi mo sinunod ang utos ko kay Joy."

Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay kahit ramdam ko pa rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko, "Hindi ko sinunod ang utos mo kay Joy dahil sa banta mo. Iniisip ko lang ang mga bata. Ayaw ko silang pagutumin."

"Okay, then." binale-wala lang niya ang pagtataray ko saka nito nilakihan ang awang ng pinto.

Tumikhim ako ulit saka ko inilahad sa kanya ang tray na may miryenda, "Oh ito na. Pakainin mo na ang mga bata. Marami pa akong aasekasuhing trabaho rito sa bahay."

Wala itong sinabi. Napatingin lang siya sa hawak ko. Nang muli niyang ibalik ang mga mata niya sa mukha ko, mas tinaasan ko siya ng kilay, "Ano na?"

Huminga ito nang malalim. Mayamaya sa gulat ko, sa halip na ang tray niya ang kunin saakin, hinawakan niya ako sa siko at marahang hinila papasok sa loob ng entertainment room.

Inis ko siyang binalingan, "Ano ba. Sabi ko marami pa akong aasekasuhin -"

"I don't know how to feed them. Stay here at ikaw na ang magpakain sa kanila."

Napamaang ako sa kanya, "Ano? Magpapakain lang ng bata hindi mo pa -" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang bigla na lang ako nitong tinalikuran at lumapit sa tatlong batang nanunuod ng cartoons sa sobrang laking flat screen tv. Parang nasa senehan lang. 'Yun nga lang, may kama sa tabi.

Nakita kong lumapit ito kay Cassy at may kung anong binulong dito. Napairap ako sa hangin dahil alam ko kung anong binulong nito sa anak ko. Hindi nagtagal napalingon sa kinaruruonan ko si Cassy. Ngumiti ito nang malaki saka ako tinawag bago tumakbo papalapit saakin.

Nagkwento na naman ito nang nagkwento saakin. Wala akong nagawa kundi ang ngitian siya nang tipid. Nang muli kong ibinalik ang mga mata ko sa hiyupak, nakita kong nakangiti na ito. Ngiting tagumpay!

Inirapan ko nga. Humalakhak lang ito nang walang tunog. Kabwesit.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nanatili sa loob ng entertainment room. Ako ang nagpakain sa mga bata habang ang buong atensyon ng mga ito'y nasa tv na nasa harapan nila. Minsan tumatawa na lang sila bigla kapag may nakakatawang eksena sa pinapanuod nilang cartoons.

Kung kanina naiirita pa ako dahil naisahan na naman ako ng hinayupak, ngayon napalitan nang kakaibang pakiramdam. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam ng tawa nila. Lalo na ng anak ko. Kapagkuwan, hindi ko mapigilang mapasulyap sa hinayupak na nakikitawa rin sa mga bata at nagpi-feeling bata pa 'ata. Hindi ko alam kung ba't tumagal ang titig ko sa kanya habang tumatawa pa rin ito.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon