Kabanata 1

14.4K 286 22
                                    

Kabanata 1

Work

"AYAN. Dahan-dahan." sabi ko kay Cassy matapos ko siyang alalayang bumaba ng trycicle nang makarating kami sa tinutuluyang apartment ni Ate Paula.

Hinayaan ko siyang maglaro muna ng bago niyang barbie sa tabi. Huminga ako nang malalim saka ko tinulungan si Ate Paula magbaba ng pinamili namin kanina sa store kung saan kami nagkatagpo ng lalaking 'yun. Nawala lang ang pag-iisip ko sa kanya nang marinig ko ang pagtikhim ni Ate Paula kaya napabaling ako sa kanya.

"Kanina ko pa 'to gustong itanong. Sino 'yung lalaking nakausap mo sa store kanina?" pinaningkitan niya ako ng mata.

"Wala 'yun, Ate. Kakilala ko lang nung alam mo na. No'ng nag-aaral pa ako rito. Schoolmate ko 'yun." matapos kong sabihin iyun iniwas ko ang tingin sa kanya dahil may halong panunuri na ang tingin niya saakin. Saktong naibaba na namin lahat ng pinamili namin kaya lumapit ako sa driver saka ito binayaran.

Pagkaalis ng driver muli akong lumapit kay Ate Paula para tulungan siya sa pagbitbit ng mga binili namin. Hindi pa rin nawawala ang mapanuri niyang tingin saakin.

"Talaga? Ano naman ang pinag-usapan niyo kanina?" tanong pa nito na ikinakamot ko ng ulo.

"Nangamusta lang." sabi ko saka ko nilapitan si Cassy. Hinawakan ko 'to sa kamay at hinila papasok sa apartment ni Ate Paula. Hindi ko kasi kayang tingnan nang diretso ito sa mata baka mabuko pang nagsisinungaling lang ako.

Halos umungol ako nang maalala ko ang mukha ng kumag. Bakit ba kasi nakita ko pa 'yun? Sa laki ng syodad na 'to at sa dinami-dami ng store, doon pa talaga siya napadpad?

Nagulat na lang nga ako kanina nang makita kong kausap na niya si Cassy. Bigla na lang kasi ito nawala sa tabi ko habang bumibili ako ng supplies para sa bahay tapos ayun na, nakita kong kinakausap na niya ang anak ko.

"Where's your mom? Are you alone?" tanong nito sa anak ko. Hindi sumagot si Cassy at kunot noo lang nakatingala sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong kausap niya ang anak ko. Ayaw kong magpakita sa kanya. Matapos ba naman ng mga ginawa niya saakin? Sa sobrang kaba at takot ko halos hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi sumagot si Cassy sa tanong niya. Mayamaya pa, napatingin ito sa direksyon ko, "Mama!" tawag niya saakin na ikinasinghap ko.

Nakita ko kung paano unti-unting lumingon ang lalaking 'yun sa direksyon ko. Gusto ko pang itago ang sarili ko para hindi niya ako makita pero hindi ko na rin nagawa. Nagawa na nito akong makita. Nakita ko kung paano manlaki ang mata niya nang makita ako. Nakita ko pa kung paano niya binigkas ang pangalan kong walang boses. Naiwas ko lang ang tingin sa kanya nang tumakbo papalapit saakin si Cassy at agad yumakap sa beywang ko.

Kinakabahan kong tinungo si Cassy dahil sa titig ng lalaking ibinibigay saakin, "Saan ka ba nanggaling?"

Pinakita niya saakin ang barbie doll na hawak niya, "Gusto ko po 'to Mama. Bilhin mo po please."

"Vien."

Nawala lang ang atensyon ko kay Cassy nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Pakiramdam ko nanigas ako. Sabay kaming napatingin ni Cassy sa kanya. Nakita ko itong nakatayo na isang dipa na lang ang layo saamin. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin kay Cassy. Napahigpit ang hawak ko sa anak ko at bahagyang itinago ito sa likuran ko. Palihim akong napalunok nang ibinaling niya ang mga mata niya saakin.

"Sino po siya Mama?" narinig kong pabulong na tanong ni Cassy saakin kaya sandali kong naiwas ang tingin sa lalaking kaharap. Nginitian ko si Cassy para maitago ko ang kaba ko.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon