Kabanata 34

3.8K 167 13
                                    

Kabanata 34

Truth


Chase:

I'll give you time to think until you forgive me. But trust me, I did nothing wrong.

'Yun 'yung text na natanggap ko mula sa kanya nang makaalis ako sa opisina niya.

At tulad ng sinabi niya, mukhang bibigyan nga niya ako ng oras para makapag-isip. Hindi niya ako tinangkang kausapin at lapitan kapag nasa bahay. Tanging sulyap lang ang nagagawa niya saakin na binabale-wala ko lang. Hanggang text lang ang ginagawa niyang hindi ko naman nire-reply-an.

Chase:

I already fired Faye.

Nagulat ako sa text na ipinadala niya isang araw.

Chase:

Akala ko, nung hinalikan niya ako nang gabing iyun, nadala lang siya ng kalasingan. Pero umamin siya. Mahal niya raw ako. Kaya tinanggal ko siya sa trabaho kahit kaibigan ko siya dahil mas importante naman saakin ang nararamdaman mo.

Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa sa mensaheng niyang iyun. Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kanya na pinapatawad ko na siya. Sa totoo lang kasi matapos kong marinig ang paliwanag niya, gumaan ang pakiramdam ko. Pero dahil gusto ko pa siyang subukan, gusto kong subukan kung hanggang kailan niya matitiis ang pag-iignora ko sa kanya, patuloy ko lang ang ginagawa kong pag-iignora. Gusto ko subukan kong hanggang saan ang sinasabi niyang mahal niya ako. At kapag sigurado na akong nagbago na nga siya talaga at totoo na siya sa mga salita niya, saka ko sasabihin sa kanya ang totoo.

"Kailan mo ba papansinin ni Sir Chase?" sabi ni Marie isang araw.

Hindi na ako nagulat na alam niya ang nangyari. Eh masyado silang close ni Chase kaya napapagkuwentuhan niya ako. Kung hindi nga lang ako malisyosong tao baka pinagselosan ko na rin si Marie sa closeness nilang dalawa. Pero hindi naman sa panghuhusga pero alam ko namang hindi si Marie ang tipo ni Chase kaya wala lang saakin ang closeness nito.

"Ano ka ba patawarin mo na 'yung tao." sabi nito habang sinusundan ako pero hindi ko siya pinansin dahil bukod sa ayaw kong amining napawi na ang galit ko para rito, abala ako sa paglalagay ng mga labahan sa washing machine.

Nagpatuloy ang pag-ignora ko kay Chase sa mga sumunod pang mga araw. Pero natutukso akong kausapin siya lalo na't hindi ko ikakailang nami-miss ko na rin ang presensiya niya at pangungulit niya lalo na't naging abala siya ulit sa opisina niya. Minsan, hindi rin siya umuuwi at baka sa condo siya natutulog. Pero wala pa ring araw na hindi siya nagti-text saakin.

"Yes! Makikita ko ulit si Tita Paula!"

Tuwang-tuwa si Cassy nang mapagdesisyunan kong papunta kami ngayong araw kay Ate Paula. Weekend ngayon at naisipan kong kay Ate Paula muna kami tutuloy ni Cassy nang dalawang araw. Naipagpaalam ko na rin ito kay Chazlene kagabi at mabuti na lang pumayag ito.

Matapos kong bihisan si Cassy, masayang-masaya siyang tumakbo palabas ng kwarto na agad kong sinuway.

"Cass, mag-iingat ka! 'Wag kang tumakbo baka madapa ka!"

"Opo, Mama!"

Nailing na lang ako sa kakulitan nito. Nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto, napabuntong-hininga ako saka ko inayos ang mga gamit na dadalhin namin.

Matapos kong ilagay sa bag ang kapirasong damit na dadalhin namin, napaupo ako sa kama. Inilabas ko ang cellphone ko at medyo nagtaka akong wala akong text na natanggap mula sa kanya.

Weird. Pero ngayon lang ako hindi nakatanggap ng text galing sa kanya. Nung mga nakaraan naman, kahit hindi ko siya pinapansin, oras-oras niya pa rin akong tini-text kahit hindi ko siya nire-reply-an.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon