Kabanata 21

4.9K 164 28
                                    

Kabanata 21

His

"DID Chase already get home?" tanong ni Chazlene sa gitna ng hapunan nila, "Or overtime ulit siya sa opisina?"

"Hindi po, Ma'am. Katunayan kanina pa po siya umuwi." si Marie.

"Ganun? Pero hindi ko naman siya nakikita kanina." si Chazlene ulit.

"Ah baka po nasa kwarto niya. Nagkukulong." alanganing sagot ni Marie.

"Ganun ba."

Palihim akong humugot nang malalim na hininga matapos kong marinig ang usapan nila at wala sa sariling napatingin sa pintuan ng dining room.

Matapos nang nangyari kanina hindi ko na siya nakitang bumaba. Mukhang tama si Marie, nagkulong siguro ito sa kwarto at wala akong ideya kung anong ginagawa niya duon. Naalala ko na naman ang dismayadong-dismayado niyang mukha kanina matapos niyang makita ang resulta ng DNA test. Halatang hindi niya inaasahan na iyun ang kalalabasan nun.

Matatapos lang ang gabing hindi ko nakitang bumaba maging ang anino nito. Nahirapan tuloy akong makatulog nang gabing iyun sa kakaisip kung anong ginagawa niya buong maghapon sa kwarto niya. Kaya nang magising ako kinabukasan para akong lutang na papel na bumangon dahil sa pagkabitin sa pagtulog. Medyo nahimasmasan lang ako nang makaligo ako. Pero hindi ko pa rin mapigilang humikab nang lumabas ako para simulan ang trabaho.

Nabitin lang sa ere ang paghikab ko at bahagyang napasinghap nang madatnan ko si Chase sa salang kinakausap si Marie. Nakatalikod ito saakin kaya hindi pa niya ako napapansin. Pero ilang segundo pa ang nakakalipas, naramdaman 'ata niyang may nakatingin sa kanila kaya unti-unti itong lumingon sa kinaruruonan ko hanggang sa magtagpo ang mga mata namin.

Wala sa sariling ibinuka ko ang bibig ko. Pero nang hindi rin ako nakahanap ng salita, itinikom ko rin ulit. Bahagya pa akong nagulat at palihim na napalunok dahil blanko ang emosyon ng mga mata nitong nakatingin saakin. Walang kapilyuhang makikitang emosyon sa mga mata nito kagaya ng mga nakaraan. Napalunok lang ako ulit nang wala pang ilang segundo, muli nitong ibinalik ang atensyon kay Marie nang walang salitang lumabas sa bibig niya para saakin. Ni hindi niya ako nginitian at binati ng 'Good morning' kagaya nang dati niyang ginagawa. Minsan nga, may kasama pa itong halik kapag kaming dalawa lang.

May kung ano pa itong sinabi kay Marie bago ito tuluyang umalis nang hindi na ako sinulyapan ng tingin. Napalunok ako sa biglang pag-iiba ng pagtrato niya saakin. Nakaramdam din ako nang kaunting kirot sa puso ko. Nanibago ako.

Ano bang nangyari? Bakit nagbago ang pakikitungo niya saakin? May kinalaman ba 'to sa nangyari kahapon? Napasinghap ako nang mapagtanto kong baka nga may kinalaman ito sa nangyari kahapon.

Hindi lang iyun ang unang beses na binale-wala ni Chase ang presensiya ko. Araw-araw lagi niyang binabale-wala ang presensiya ko. Ni hindi niya ako magawang sulyapan kahit isang segundo lang. Parang bang hangin lang ako para sa kanya. Baka nga mas malala pa ako sa hangin. Sa araw-araw na iyun, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa pangbabale-wala niya sa presensiya ko.

Isang hapon habang abala ako sa paglilinis sa sala, biglang nag-ring ang telepono. Dahil ako lang ang taong malapit duon, ako na rin ang sumagot. Hindi pa man ako nakakapagsalita, napasinghap na ako nang marinig ko ang pamilyar niyang boses.

"Marie," bumuga ito ng hininga, "'Yung pinapagawa ko sa'yo, nagawa mo ba?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Humugot ako nang malalim na hininga saka lakas loob na nagsalita, "U-uhm. Chase, hindi ito si Marie. Si Vien 'to," hindi siya nagsalita. Muli kong nakagat ang ibabang labi ko, "M-may ginagawa kasi si Marie kaya ako na ang sumagot. U-uhm, may ipapagawa ka ba?"

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon