Kabanata 47

3.7K 127 6
                                    

Kabanata 47

Promise



Nakangiti kong ipinikit ang mata dahil isang malamig na simoy ng hangin agad ang unang sumalubong saakin nang makababa kami ng barkong sinakyan namin. Three-thirty pa lang kasi nang umaga kaya hindi na kataka-taka kung bakit ganito na lang kalamig ang hangin.

Kalaunan, muli rin akong nagmulat at binalingan ko si Cassy sa tabi ko. Yakap-yakap niya 'yung malaking teddy bear na bigay sa kanya ni Chase nuon. Humihikab-hikab pa ito dahil nadisturbo ko ang tulog niya. Kinailangan ko lang kasi siyang gisingin dahil nakarating na kami sa pier ng probinsiya namin.

Mayamaya, lumingon siya sa likuran, "Tita Paula."

Dahil sa sinabi niya napalingon din tuloy ako sa likuran ko. Nakita ko si Ate Paula na kinakausap 'yung sa tingin ko ay porter para tumulong sa pagdala ng mga gamit namin. Kung hindi kasi kani magpapatulong, mahihirapan pa kami. Matapos kausapin iyun ni Ate Paula, lumapit na rin ito saamin.

"Tara na. Naghihintay na sina Mama sa terminal."

Kaagad akong sumunod nang lumakad siya.

Nang makarating kami sa terminal ng mga sasakyan at nang mahanap namin ang kinaruruonan nina Mama, lumapad ang ngiti ko lalo na nang makita ko rin ang ngiti ni Mama.

"Mga anak ko. Diyos ko! Apo!"

Binigyan niya kami nang tag-isang mahigpit na yakap. Huli niyang hinagkan si Cassy na halata ang pagkasabik niya rito. Iniwala ko muna ang atensyon kela Mama. Napatingin ako kay Papa na nanahimik lang. As usual, si Papa 'yung tipong taong titingnan mo pa lang, maiisip mo na kaagad na masungit. At hindi lang mukha, masungit talaga.

Lumapit ako sa kanya at nagmano, "Hi po, Papa."

Tinanggap naman niya ang kamay ko pero matapos iyun, umismid siya. Hindi na ako nagulat at nagtaka. Matapos kasi ang nangyari sa anim na taong nakalipas, nagbago na pakikitungo niya saakin. Hindi na gaya nuon na masyado niya akong bini-baby. Siyempre, ako 'yung bunso. Pero wala na iyun saakin. Kinasanayan ko na lang ang pagsusungit niya saakin. Ang mahalaga, hindi niya pinaparamdam iyun kay Cassy. Kung may isang tao mang hindi niya sinusungitan, si Cassy iyun.

Napangiti ako nang nakangiti niyang yinakap si Cassy nang lumapit ito sa kanya para magmano. Binuhat niya pa iyun pagkatapos kaya kinuha ko sandali ang teddy bear na yakap ni Cassy para mabuhat siya nang maayos ni Papa.

"Ang bigat bigat mo na. Mabuti naman at pinapakain ka nang maayos ng Mama mo!"

Natawa na lang kami sa sinabi ni Papa.

Kalaunan, nagpasya na kaming sumakay sa van na inarkela pa ni Mama para sumundo saamin. Si Papa sa tabi ng driver. Kami ni Cassy sa gitna tapos si Mama at Ate Paula nasa bandang likuran. Matapos ilagay ng mga gamit namin, tumulak na rin kami para umuwi ng bahay.

Dahil kulang sa tulog, agad nakatulog si Cassy sa byahe. Samantala, kung anu-ano naman ang tinatanong saamin ni Mama. Sinusubukan ko ring kausapin si Papa, buti na lang at sumasagot naman siya kahit hindi talaga mawawala ang kasungitan sa tuno ng boses niya.

"Kailan po pala uuwi si Ate Maumie, Mama?" lingon ko kay Mama.

"Linggo ang dating niya sa Manila tapos tutulak agad siya rito sa Lunes," tumango-tango lang ako. Malalim na bumuntong-hininga si Mama bago muling nagsalita, "Kamusta naman kayo ni Cassy sa Manila, Vien? Balita ko, kasama mo raw siya sa bahay ng pinagtatrabahuan mo. Naaalagaan mo ba 'yang mabuti ruon?"

Narinig ko ang pagtikhim ni Ate Paula sa tanong ni Papa. Sandali akong tumingin kay Papa na kinakausap ang driver ng van na sinasakyan namin.

"Okay naman po. Kaya ko naman pong i-handle."

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon