Kabanata 19

11K 248 68
                                    

(Hi, sorry now lang. I am super duper busy kasi on my studies. Btw, salamat sa suporta!)

Kabanata 19

Close

HINDI pa nagsisimula ang araw ko kinabukasan, nasira na kaagad nang madatnan ko ang hinayupak na si Chase sa sala ng bahay kasama ang sekretarya niyang si Faye na ngayon ko lang ulit nakita. Kumpara sa suot niya nang una at pangalawang punta niya rito, naka-turtle neck, ripped jeans at bota ito. Magkatabing nakaupo ang dalawa. May hawak si Chase na kung anong papel na mukhang binabasa nito. Nakatingin naman si Faye ritong bahagyang nakangiti.

Naningkit ang mata ko nang mapansin ko ang titig na binibigay nito kay Chase na panguso-nguso pang nagbabasa.

Ang mga titig na 'yan, alam na alam ko. Ganyan 'yung mga titig ng mga babaeng nagkakandarapa sa hinayupak na 'yan noon. Ibig sabihin, may gusto si Faye kay Chase? Napalunok ako sa naisip ko saka muling ibinalik ang tingin sa dalawa.

Nakita kong tapos nang basahin ni Chase ang papel na hawak nito. Nakangiti nitong binalingan si Faye na kumurap at ngumiti rin sa kanya. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakasimangot na. Bigla kong naalala ang sinabi niya kahapon at napaikot ng mata kapagkuwan.

Tss. Paano ko siya bibigyan ng chance kung ganyan siya makangiti sa sekretarya niyang hindi niya pa 'ata niya alam na may gusto sa kanya? O baka naman alam niya at hinahayaan lang niya dahil tuwang-tuwa itong may babaeng nasa tabi niya na gusto siya. O baka naman, may relasyon talaga silang dalawa. Naalala ko. Hindi pa nga pala niya saakin naipapaliwanag kung anong ginagawa nila duon sa Pelesi Restaurant.

Mas lalo akong napasimangot sa naisip ko.

Huminga ako nang malalim at lumakad. Sinadya kong gumawa ng ingay gamit ang dala kong timbang may tubig at map kaya napatigil ang dalawa sa pag-uusap at napatingin saakin. Hindi ko na sila pinansin at puwesto ako malapit sa kanila at nagsimulang mag-map ng sahig.

"So, Chase, as I said. You will have a meeting later." mayamaya pagtuloy ni Faye sa kung anong pinag-uusapan nila.

"Cancel it." narinig kong sagot nito pero ramdam kong nanatili ang titig niya saakin na mas lalong nagpasimangot saakin.

"Ha? Chase?" tanong ni Faye na mukhang hindi narinig ang sinabi nito.

Narinig ko ang marahas na pagbuga ng hininga saka nito inalis ang titig saakin at ibinaling kay Faye, "I said cancel that meeting and my other appointment. I have just thing important to do."

"Sigurado ka? Chase, ilang araw ka nang wala sa opisina."

"Wala namang problema, 'di ba?"

"Fine," pagsuko ni Faye, "Pero ano ba ang importante mong gagawin? Saan ka pupunta?"

"I'm not going somewhere. Dito lang ako sa bahay."

"What? Ano namang gagawin mo rito?"

Tumawa ang hinayupak, "Faye, you may be my secretary slash friend but not all I can tell you. May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sa'yo, okay?" hindi na nakasagot si Faye, "Okay. You may go, Faye. Just call or text me kung nagkaruon ng problema."

Hindi na nagsalita pa si Faye, nakita ko na lang sa peripheral vision ko ang pagtayo nito at tuluyang pag-alis.

"Faye is already gone so stop frowning." narinig kong sabi nito ilang minuto matapos makaalis ni Faye.

Tinigil ko ang pagma-map sa sahig at marahas ko siyang nilingon. Hindi man lang ito natinag o nagulat nang matalim ko siyang tiningnan. Kalmado lang itong nakaupo sa sofa, nakatuko ang isang siko sa sandalan habang nakapahinga ang ulo niya rito. Kalmado lang din ang ekspresyon ng mukhang nakatingin saakin.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon