Kabanata 6

7.9K 232 27
                                    

Kabanata 6

Asshole

"OKAY. Calex, take care yourselves, ayt? Ingat sa pagda-drive."

'Yun 'yung naabutan kong eksena nang ihatid ko ang wine glass na inuutos saakin ni Chazlene. Nadatnan kong nagpapaalam na 'yung Santi na mukhang ihahatid nang supladong si Calex. Matapos bumeso ni Santi sa mga lalaki at babaeng Sanmiego, tuluyan na rin itong nagpaalam.

Nang mawala sa paningin ang dalawa, tuloy sa usapan ang mag-anak. Tahimik ko namang inilapag sa center table ang wine glass. Dahil wala akong balak makinig sa usapan ng mga ito, ibinaling at lumapit na lang ako sa mga batang naglalaro sa tabi. Agad namang lumapit saakin si Cassy nang makita niya akong papalapit sa kanila.

"Mama, nakakatuwa po si Kael. Naglaro po kami." masayang balita nito saakin na ikinangiti ko.

Mayamaya biglang lumapit saamin si Kael, "Tita, Tita. Why she's not answering every time I ask her? I thought she's deaf."

Napangiti ako nang alanganin, "She can't understand at speak English kasi, Kael." sabi ko na mukha namang naunawaan nito.

Tumango-tango ito saka ngumiti, "But, Tita, when I grow up. I want to marry her."

Bigla akong napaubo dahil sa sinabi ng bata. Nakarinig naman ako ng tawanan. Nang lingunin ko ang mag-anak, doon ko na-realised na nakatingin na pala ang mga ito saamin. Nahagip pa ng mata ko ang hinayupak na si Chase na bahagyang nakataas ang sulok ng labi pero nasa akin ang seryosong mga mata nito. Parang nanghahamon!

"Really, Kael? You wanna marry Cassy?" pagsakay ni Chazlene sa sinabi ng batang agad namang tumango.

"Yes, Tita."

"But you should a good boy first, baby." si Camille na nakangiti sa anak.

"But I'm a good boy, Mommy!"

Ikinahalakhak lang ng mag-anak ang sinabi nito. Samantala ako hindi ko alam ang i-re-react dahil may isa pa akong bagay na napagtanto.

"Lucille, okay ka lang? Namumutla ka."

Natauhan at napakurap ako sa sinabi ni Chazlene na agad namang sinang-ayunan ni Ma'am Alejah at Camille.

"You should already take a rest. Kami na ang bahala rito. Mukhang pagod ka na kaya kanina ka pa namumutla." sabi ni Ma'am Alejah.

Hindi na ako nagprotesta o tumanggi pa. Mas gusto ko ngang magpahinga na dahil kinikilabutan talaga ako sa usapan nila. Pero hindi pa man ako nakakarating sa maid quarters, napahinto na ako nang marinig ko ang pamilyar na boses niya.

"Kinikilabutan kang isipin na darating ang araw na papakasalan ni Kael si Cassy, right?"

Ipinikit ko nang mariin ang mata ko dahil sa sinabi nito saka ko ito nilingon, "Ba't naman ako kikilabutan?"

Tumaas ang sulok ng labi nito pero hindi umabot sa mga mata nito, "'Cause they're cousins and that will be incest."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya kaya mas lalong nanghahamon ang tinging ibinigay niya saakin. Pero wala akong balak magpatalo sa hinayupak na 'to.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko saka huminga nang malalim. Nang magmulat ako ulit, ibinaba ko si Cassy na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan namin. Inutusan ko 'tong mauna na sa kwartong agad naman nitong sinunod. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin saka ko ibinalik ang atensyon kay Chase na nakita kong sinundan pa nito ng tingin. Nabaling lang ulit ang atensyon niya saakin nang magsalita ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo anak si Cassy kaya papaanong magiging incest ang relasyon nila ni Kael kung saka-sakali?"

Nawala ang mapanghamon niyang tingin at biglang humakbang nang isang beses. Determinado niya akong tiningnan, "She's mine, Vien. I can feel it." sobrang hina ng pagkasabi niya. Para itong natatakot na may makarinig ng usapan namin.

The Playboy's Love (Sanmiego Series #3) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon