Nakakapagod, nakakawalang gana
Lahat ginawa mo na
Ngunit sa kaniya'y wala paring kwenta
Nagagalit ng nagagalit
Pinipilit na iyan ay walang halaga
Walang sumusuporta sayo kahit isa
Yung nag iisang tao na sinabing susuportahan ka ay wala na
Iiyak na naman sa sulok, magdadamdam hanggang magdamag
Hihiga at Gagawing panyo ang unan
Pipikit at iisiping kaya mo pa ba o susuko ka na
Hanggang kelan magpapanggap na masaya?
Hanggang kelan magsusumamong pansinin ka?
Nakakapagod umiyak ng patago
Ang hirap umiyak pag may kasama ka sa kwarto.
Hindi ka makakapagsolo kasi baka ka marinig ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoetryANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.