Pasensya na kung pinilit kitang bitawan ako
Pasensya na kung namilit ako
Pasensya na kung iiwan na kitang totoo
Pasensya na kung hanggang dito nalang tayoDi kayang mawala ka
Yan ang salitang binitawan at pinakita
Ngunit isa din itong ibabaon nalang sa alaala
Alaalang lumipas na.Gusto kung magtagal tayo
Gusto kung ikaw na ang makasama ko
Ngunit hindi sapat ang lahat ng to.
Ang lahat ng dahilan ko para ipagpatuloy pa to.ayokong umiyak ka
Ayokong malungkot ka
Ayokong tutulo ang luha mo sa yong mga mata
Ayokong saktan ka pa.Ayokong makitang may tubig ang iyong pisngi.
Nangako ako diba? Nangako akong mamahalin kita hanggang dulo
Ngunit yung pangakong yun ay pinako
Yung pangakong yun ay iniwan ko na sa ere tapos naTapos na para di ka na masaktan pa
Pasensya na
Minahal kita
Totoo lahat ng sinabi ko sayoTotoo lahat ng paalala ko
Totoo lahat ng kwento ko.
Ngunit hindi iyon sapat para magpatuloy ako
Kasi ramdam kong sasaktan pa kita ng todo.Kung di kita bibitawan ngayon dito.
Mananatiling kaibigan mo.
Di magbabago ang trato
Ikaw parin ang nag iisang HOMER VELASCOpasensya na kung hinahalintulad kita sa kanya
Nakikita ko kasing ganun ang kwento nating dalawa
Ako si isla
Ikaw naman si homer, ngunit walang happy endingGanyan ang paglalarawan ko sana
Ngunit di ko pala kayang mawala ka
Hanggang ngayon ikaw parin sinta
Ikaw parin ang hinahangad kung makasamaPwedi bang bumalik tayo?
Ibalik ang tayo?
At simulan muli ang ating kwento?
Hindi kagaya sa series na dito muna tayo?
Gusto kung magtapos tayo sa IKAW NA ANG NAIS KO
![](https://img.wattpad.com/cover/270635619-288-kdce423.jpg)
BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoetryANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.