PAGOD

0 2 0
                                    

Limang letra na sa akin ay nararamdaman ko na
Pagod na pagod na akong lumaban at magpakatanga minsan.
Gusto ko lang naman ang mahalin at magmahal ng lubusan
Yung galing sayo sana para ramdam kung ako ay mahalaga.

Pagod na ako sa lahat ng bagay
Gusto ko nalang mawala habang buhay
Kailangan ko lang naman ng gabay
At ang nararamdaman ay ialay.

Kung pagod ka na, mas pagod na ako
Di ko ramdam ang pagmamahal mo
Di ko nga alam kung ako nalang ba ang lumalaban sa relasyong ito
At ika'y gusto nalang sumuko at magpakalayo-layo.

Sabihin mo lang at ika'y palalayain ko
Ayaw kung manatili sa relasyong ganito
Gusto kung pareho tayong nagmamahal ng totoo
Ngunit iba ang nararamdaman ko.

Mahal, sabihin mo ang totoo
Kung gusto mung lumaya ay ibibigay ko
Wag lang yung tratong ganito
Di ko na alam ang gagawin ko.

Mahal, mahal mo pa ba ako?
O minahal mo lang ako kasi ako yung nandito?
Sabihin mo ang totoo para maliwanagan ako
At di na aasa sa lahat ng ito.

Mahal kung pagod lang ang pag uusapan
Sobrang pagod na ang puso kung sugatan
Palagi mong natitiis na di magparamdam
Samantalang ako'y di ko kaya ang ganyan.

Mahal mo ba talaga akong totoo?
O mahal mo lang ako kasi may hinihintay kang bumalik sayo?
Pagod na akong magpagamit sa inyo.
Pati puso ko dinamay nyo.

Kung pagod na, magsabi naman kayo
Di yung magpapahula pa at manlalamig nalang diretso.
Di pwedi yung ganito
Ang bilis lang tumulo ng luha ko.

Kaya ako'y nagsusumamo sa inyo,
Sabihin nyo ang totoo,
Kung pagod na ay palayain nyo na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOM SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon