RANDOM

1 2 0
                                    

Maraming namamatay, maraming nag aagaw ng buhay
Maraming nagluluksa dahil nawalan ng mahal sa buhay
Maraming umiiyak, maraming naghihirap
Maraming nagugutom ngunit maraming tumutulong.

Ilang buwan o ilang taon pa ba ito?
Ilang tao pa ba ang mawawala sa mundo?
Ilang tao pa ba ang handang ialay ang kanilang buhay?
Ilang taon pa ba ang lilipas bago maging matiwasay ang ating buhay.

Aking naiintindihan kung gano kahirap ang ating pinagdadaanan.
Mula umpisa hanggang ngayon patuloy parin tayong lumalaban,
Kahit di natin nakikita ang ating kalaban
Ngunit tayo ay nagdadamayan, handang tumulong sa mga taong nangangailangan.

Pandemic o pandemya iisang problema,
Iisang problema na kinakaharap ng mundo
At kinakalaban ng mga tao
Mga frontliners ika nga.

COVID-19 kung tawagin, ngunit matatakot pa ba tayo kung may DIYOS tayo kung tawagin.
Sakit o Virus lang yan ngunit may Diyos tayong tumutulong sa atin.
'Wag tayong mangamba datapwat tayo'y manalangin sa KANYA.
Si Hesus ang ating sandalan, walang inuurungan, ngunit tayo'y pinoprotektahan.

Matatapos din to, magtiwala lang tayo sa KANYA.
Wag sumuko, pweding umiyak dahil nasasaktan ka.
Pweding magluksa dahil nawalan ka.
Ngunit pwedi din namang masaya dahil may DIYOS kang kilala.

Magkalayo man kayo ng pamilya mo.
Wag kang mag alala matatapos na to.
Sa ngalan ni Hesus magiging ligtas tayo.
At sa panahong iyon magkikita na kayo.

Wag makalimutan na magpasalamat sa KANYA.
Dahil di NIYA nakalimutan na gabayan ka,
Manalangin ka't sambahin SIYA.
Sapagka't hanggang ngayon ginagawa NIYA ang lahat maging ligtas ka lang.

RANDOM SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon