TO MY JOWA

1 2 0
                                    

San ko nga ba ito sisimulan?
Dun sa umiyak ako ng lubusan?
Dun sa nagluksa ako at di ko alam ang dahilan?
Dun sa bigla nalang tumulo ang luha dahil sa aking nararamdaman?
O dun sa sumaya ako at minahal ka ng lubusan?
Di ko man alam kung san ako mag sisimula,
Ngunit alam kung minamahal kita ng tama,
Simula sa Hi! Hanggang sa Pwede bang akin ka na?
Di ko alam na mamahalin pala kita ng sobra sobra
At minamahal pa kita sa pagkakataong di mo inaakala.
Dahil hanggang ngayon mahal na mahal kita,
Mula Zaky hanggang sa totohanan na,
Mahal, kapit lang ha,
Di tayo dapat maghiwalay dalawa,
Malayo man tayo sa isat-isa
Tawid dagat man ang pagitan nating dalawa
Mahal magkikita rin tayo wag kang mag alala
Di man ako perpektong jowa sayo,
Palagi ko mang ginagawa ang mga bagay na di mo gusto,
Sinusuway kita't inaaway pa
Mahal wag mo kong iiwan ha,
Kahit na ang hirap hirap kung intindihin,
Sanay bibigyan mo parin ako ng pansin,
Ika nga nila "mag aaway lang tayo pero di mag hihiwalay"
Sanay ganun din ang gagawin natin sa buhay
Mga pangarap natiy aabutin
Makakamtan at mayayakap din,
Alam ko magkikita tayo,
Magkikita tayo di man ngayun
Pero soon, mangyayari ang dapat mangyari,
Di ko kayang mangako,
Ayokong mangako,
Dahil noon nangako ako ngunit di ko natupad
Di ako mangangako pero gagawin ko,
Di kita pakakawalan hanggang sa walang hangganan,
Salamat at minahal mo ko ng lubusan,
Ngayon umalis ka, pumunta sa lugar na walang signal
Ayokong pigilan ka, gusto kung sumaya ka
Sumaya ka na di ako ang kasama,
Gusto kung suportahan ka
Kahit na naiiyak na ako ditot lahat lahat na
Ayoko sanang umalis ka
Gusto kung sa pagsapit ng pasko
Eksakto alas dose ng madaling araw nakakausap kita
Gusto ko sa ganung paraan maiisip ko man lang na kasama kita,
Ito na naman tumutulo na naman siya,
Pero alam ko kaya ko,
Nag iinarte lang ako,
Mag iingat ka at ingatan mo ang sarili mo
Soon mayayakap kita
Soon magkikita rin tayong dalawa
Maligayang pasko, ito muna ang regalo ko,
Mahal, mahal na mahal kita tandaan mo.

RANDOM SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon