Ikaw ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko
Ikaw ang nagpumilit na buuhin ang puso ko
Ikaw ang nangakong papasiglahin muli ang aking pagkatao
Nag tiwala ako sayo, binigay ko lahat ng tiwala ko
Unang lisan mo hinayaan kita
Hinayaan kitang lumisan na mag isa kahit gusto ko pang kumapit ka
Wala akong magagawa kundi hayaan ka
Makalipas ang ilang araw bumalik ka
Nagtatanong kung pwedi parin ba?
Ako naman na isang marupok na may halong pagkatanga
Tinanggap kita.
Tinanggap kita na walang pag aalinlangan na makikita sa aking mga mata
Ika nga nila " everybody deserve a second chance"
Kinalimutan ko lahat ng ginawa mo
Yung pag iwan mo sakin sa ere na mag isa
Yung akala ko dalawa tayong lilipad o tatakbo patungo sa pangarap nating mundo
Pero hindi pala, ganun parin pala
Iiwan at iiwan mo parin akong nag iisa
Ika nga ni Vice Ganda
"Sa mga babae nananahimik lang naman tapos liligawan sila nung lalaki
Tapos susuyuin sila para ma fall sila dun sa nanliligaw para maging sila
Tapos pag naging kayo na biglang sasabihin mo ngayon na sometimes diba mali yung disesyon mo
Sana makita mo yung totoo na para sayo
Tapos ikaw yung nanligaw sa kanya tapos ikaw yung nakipaghiwalay?"
I felt that
Inubos mo lahat ng tiwala ko
Sasabihin mong aayusin mo muna sarili mo?
Di mo ba naisip na ikaw ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko?
Di mo ba naisip kung ano na ang mga isinakripisyo ko para sayo?
Ginawa ko ang lahat wag mo lang akong iwan
Saya ang gusto kong makamtan
Hindi luha na di na mabilang
Ilang butil na ba ang aking nailuha?
Ilang sakit na ba ang aking lalabanan?
Hahayaan na talaga kita
Ngayon ako'y mangangako sa sarili ko na
Kung babalik ka pa
Wala ka nang babalikan pa
Paalam na
![](https://img.wattpad.com/cover/270635619-288-kdce423.jpg)
BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoetryANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.