TO MY X-CRUSH AGAIN

1 2 0
                                    

Huling tula

Ito na ang huling tula na isusulat ko
Ang huling mga letra at salita na makikita mo.
Ito na ang huling pyesa para sayo.
Ang huling papaguran ko.

Di ko maisip kung ano ang kulang sakin
Ginawa ko na ang lahat para ang saya ay iyong maramdaman
Sumulat ng tula, ika'y pinaparinggan
Ngunit bakit hanggang ngayon di mo ramdam?

Huling tula para sayo sinta
Sinta? Naghahangad na naman ba?
Aasa na naman ba?
Hahayaan na namang mahulog ako ng tuluyan habang ika'y nakangiti sa iba?

Sabi ko ito na ang huling tula
Na iyong mababasa at makikita
Ito na ang huling papel na susulatan ko ng tula
Ang huling panulat na aking gagamitin sa pagsulat.

Titigil na ako, tama na to
Nasasaktan na ako
Sayang ang panulat at papel mga letra na ginamit para mabuo lang to
Ang huling pyesa para sayo.

Huling tula at huling tulo ng luha
Ika'y palalayain ko na
Alam kung hindi ka sakin sasaya
Kasi may iba na sayong nagpapasaya.

Sana ingatan ka niya
Sulatan ka ng maraming tula
Na iyong mababasa at makikita
Nasa iyo'y magpapangiti ng sobra.

Ngunit kaya ba kitang makitang malungkot o masaga.
Habang nakamasid sa iba
Ibang may nagmamay ari na
Ngunit patuloy mo paring minamahal ng sobra.

Huling tula na ito pinapangako ko
Huling tula na isusulat ko para sayo
Huling pyesa na mababasa mo
Paalam sayo.

RANDOM SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon