Unang araw palang alam ko na
Akoy nabihag mo ngunit nadismaya
Palaging tinatanong sa sarili kung bakit binalewala
Nasasaktan ako di mo lang halata
Pano sisimulan kung patuloy nang masasaktan
Para saan?
Para ipaalala sakin na wala kang pakialam
Para ipaalam sa akin na may iba ka nang mahal?
Kailan ako magiging masaya?
Kailan sasaya ang taong nagmamahal ng sobra?
Ikaw ang dahilan
Sakit, kirot, sugat ikaw ang dahilan ng lahat
Magiging akin ka ba talaga o akin kalang kasi wala pa siya?
Akin ka mona
Kasi ako ang nandito na nakakasama mo, na nakakaharutan mo
Na sana ako nalang talaga ang mamahalin mo.
Akin ka mona kasi yung mahal mo may kasama pang iba
Yung mahal mo may mahal pang iba.
Sakit no?
Ganyan, ganyan, ganyan yung sakit na nararamdaman ko nuon
Ngayong hindi na kita mahal at sayoy wala nang pakialam
Sasabihin mo na sa aking "ganun pala talaga no sa panahong mahal mo na siya, saka pa siya mag mo move-on sayo"
Sinayang mo akot lahat-lahat na
Ngayun mo pa sasabihin ang mga katagang 'mahal na kita'
Ngunit tapos na ang ating kabanata wala nang ikaw ako ako sinta.

BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoesiaANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.