BAGO AKO BABATI SAYO

0 2 0
                                    

Guro
Apat na letra, ngunit sa akin ay pamilya
Apat na letra ngunit sa akin ay mahalaga,
Pangalawang ina na handang umagapay sa kanyang anak na lumihis ng landas
Handang ituwid ang daan para sa kanyang anak na nag iba ng dinaraanan.

Ikaw ang naging sandalan sa panahong nalulugmok ako sa pait at lungkot ng nakaraan.
Sa mga problema ko'y ikaw ang sumbungan.
Nandyan ka sa oras ng aking pangangailangan
Ina, aking pangalawang ina, aking maestra.

Kung babalikan natin ang lahat ng memorya natin noon,
Malalaman mo kung bakit ikaw parin ang iniisip kung titser ngayon,
Pilit akong inilalayo sayo, inilipat ng ibang titser ngunit ikaw parin talaga.
Kaya aking titser sandali lang, hayaan mo akong magsalita.

Una, bago ako babati sayo pakinggan mo muna ako.
Ikaw ang sumalo sakin nung mga panahong binitawan ako ng bangin ng pagkaluho
Naalala kung ikaw ang pinapakinggan ko sa mga panahong nakikipagtalo sakin ang mundo.
Hindi ko ginusto na maging ganito, ngunit ako ang naglapit sa mga paa ko sinundan ang daan na sa iyo ay patungo.

Pangalawa, bago ako babati sayo
Umamin ka  mata sa mata, puso sa puso
Makakalimutan mo kaya ako?
Mahal mo parin ba ako?
Namimiss mo parin ba ako?

Pangatlo, Ako'y babati na sayo
Magandang kaarawan aking guro
Magandang kaarawan aking tagapagturo
Magandang kaarawan aking tagapayo.

RANDOM SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon