Sabi nila,
Masarap daw sa pakiramdam na may taong nandyan palagi sa tabi mo.
Pinapahalagahan ka at ibinubuhos ang oras at atensiyon niya sayo.
Sa twing naririnig ko ito ay ikaw palagi ang pumapasok sa isip ko.
Ikaw kasi ang klase ng taong handang magsakripisyo para sa taong mahal mo.Ang swerte ko, sobrang swerte ko sayo.
Araw-araw kung nararamdaman ang pagmamahal mo.
Araw-araw mo kasing pinaparamdam na mahal mo ko.
Salamat at dumating ka sa buhay ko.Mahal, pasensya na
Kung nasaktan kita.
Pasensya, sa mga ginawa ko sayo aking sinta.
Pasensya, sa sakit na dulot ko aking mahal na kapareha.Ngayon makikita mo sa aking mga mata
Na ikay sapat na.
At sana'y ako rin
Sapat na para maramdaman mong ako na.Mahal, maligayang apat na buwan nating pagmamahalan.
Babati ako sayo sa pamamagitan ng tulang ito
Sana'y maramdaman mo
Na ikaw lang ang iibigin ko.Sa apat na buwan na nagdaan
Maraming nangyari na di natin napigilan.
Luha, lungkot, saya at iba pang karamdaman.
Ito'y ating pinagdaanan.Mahal, pasensya na sa kasalanang aking ginawa
Pinaramdam ko sayong di ako better para sayo
Dahil iniisip kung may much better pa kesa sakin.
Na pwedi kang mahalin ng sobra pa sa pagmamahal ko sayo.Ngayon ayoko, ayokong mawala ka na sa piling ko.
Masaya na akong ikaw ang kasama ko.
At sana panghabang buhay na ito.
Sana ganun rin ang iniisip mo.Pangako ko man ay napako.
Ngunit ang pagmamahal ko sayo'y kailanman ay di maglalaho.
Gagawin ko yan at di ako mangangako.
Kasi may kasabihang ' lahat ng pangako ay napapako'.Asahan mong kung mahal kita
Ay ikaw lang sinta
Walang ibang makakapag pigil sakin na mahalin kita
Kasi di namn sila ang nagmamahal.
Ipaglalaban kita kahit anong mangyari sinta.Ang swerte ko sayo
Sobrang swerte ko sa taong minamahal ko.
Maligayang apat na buwan nating pagmamahalan.
Dito ko muna wawakasan ang tulang ito.
Mahal kita, sobra sobra.
Di ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama.
BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoetryANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.