Ayoko nang mag seryoso
Ayoko nang malungkot ng ganito
Ayoko nang masaktan ng todo todo
Yan ang mga pangakong binitawan ko.Ayokong sumugal muli
Ayokong pinipilit ang ngiti
Ayoko, ayokong humuhikbi
Ayokong luluhang muli.Ang sakit ng dinanas ko sayo
Nagkasakit dahil sa kagaguhan mo
Lumuha ang puso kasi pinipilit pa ang tayo
Kahit walang kasiguraduhan kung ako parin ba ang laman ng puso mo.Grabeng sakit ang binigay mo
Di mo man lang naisip na nasasaktan ako.
Ayoko ng ganito
Pakiusap wag yung sakit sa puso.Di ako papayag na malugmok muli ang puso ko
Dahil dati natong nadurog dahil sayo.
Ikaw ang bumuo nito
Ngunit mas grabe ang sakit ng kapalit ng pagbuo mo.Ikaw ang pumasok sa buhay ko
Ang nagpumilit na pumasok sa mundong ginagalawan ko
Nangako ka, nangako kang di mo ko sasaktan ng ganito
Di mo ko paluluhain ng ganito.Ayoko na, tama na to.
Huling luha para sayo
Huling luha para sa panggagago mo
At huling luha sa katangan ko sayo.
Ayoko nang maloko mo muli ako.
Ayokong masaktan mo muli ako
Ayoko ng ganito
Tama na yung sakit na nararamdaman ko
Tama na sa pagpupumilit na pumasok sa buhay mo
Paalam sayo.
BINABASA MO ANG
RANDOM SPOKEN
PoetryANG SPOKEN NA ITO AY AKING SARILING LIKHA, AKING GINAWA. AT GINAWA KO ITO BASI SA AKING ISIP. KUNG ANO ANG NASA AKING ISIP AYUN ANG AKING ISUSULAT.