Tria's POV
"Bitawan nyo ako!" Malakas kong singhal dalawang na nilalang nato na nakahawak saakin. Sabay pagpipiglas na naman.
Halos mamanhid na sa sakit ang aking mga brasong bitbit ng mga kakaibang nilalang nato.
"Saan nyo ba ako dadalhin ha?! Bitawan nyo ko!" Tanong ko sakanila sabay piglas uli.
Pero imbis na sumagot ang mga nilalang nato ay mas lalo lang nilang pinalalim ang maiitim nilang kuko sa mga braso ko.
"Ahh!" Impit kung sigaw dahil sa napakasakit na dulot nun.
Pagpipiglas at pagsigaw ang ginawa ko habang hinhila ako ng dalawang to sa paglalakad nila sa napakalalim na kagubatanng to.
Paano nato? Wala naman sigurong makakarinig saakin dito, napakaliblib na nag lugar nato.
Hindi ko pa nga nakikita ang mga kaibigam ko eh, Nasaan na kaya ang mga yun, sana walang masamang mangyari sakanila.
Sakto natong sakit na nararamdaman ko, ayaw ko nang masaktan pa kapag nakita kung nasasaktan sila.
Habol ko ang hininga ko dahil sa pagod na natamo ko kakapiglas at kakasigaw para lang makawala sa mga nilalang nato.
At dahil sa pagod na ako, nagpadala nalang ako sa pagbitbit at paghila ng mga kumag nato.
Nakayuko lang ako sa buong paglalakad namin, nagpapalakas, dahil baka makahanap at makaisip ako ng paraan para makatakas sa mga lakaibang nilalang nato.
Hindi ko alam kong nasaan na kami, kung malapit na ba to sa mataong lugar o hindi ba, basta ang alam ko lang humunto na sa paglalakad ang dalawa at walang nang imik na nakatayu at hawak hawak ang mga braso kung patuloy parin sa pamamanhid.
Tumingala ako para tingnan kung bakit huminto ang dalawa.
At sa ikinabigla ko...
Nasa harapan namin ang dalawa kung kaibigan na lalaki.
Halos maiyak ako sa tuwang aking nadarama.
Sawakas makakaligtas na ako, ililigtas ako ng mga kaibigan ko.
"Kai! Rence!" Tawag ko sakanila.
At dahil sabik na sabik na ako, nagpumiglas ako hanggang sa makawala ako sa pagkakahawak ng dalawamg nilalang nato saakin.
Ng makawala na ako, agad akong tumakbo sakanila at agad na hinawakan ang tig-iisang kamay nila.
"Mabuti't nandito kayu." Mangiyak-ngiyak kong sabi sakanila.
Nakita kung ngumiti silang dalawa saakin, bagay ma masnagpapanatag saakin.
Agad ko silang niyakap dahil sa sayang aking nararamdaman.
"Nasaan sina Mon, at Lyz?" Tanong ko pa sakanila habang yakap yakap ko sila.
Pero imbis na sagot ang makuha ko sakanila, tanging pagsaksak sa tagiliran at tyan ko lang ang aking nakuha.
"Ahh!" Ang tanging nasambit ko pagkatapos nila akong saksakin.
Agad akong humiwalay sakanila, at hinipo ang dalawa kung sugat.
Napaiyak ako sa dalang hapdi ng sugat ko, at hindi nagtagal natumba ako.
Napaluhod ako sa sahig ng gubat, at makahulugang tumingala para tanawin ang dalawa kung kaibigan, o baka mga impostor kung kaibigan.

YOU ARE READING
Dactor Craig Smaith Experiment
FantasyDoctor Craig Smaith's Experiment is not that usual experiment we do in our school or in our own laboratory. It is an experiment where the subjects was humans, and worst, it is a students. And the antidotes was blood mixed by such powerful hearts. T...