Someone's POV
Andito ako ngayun sa likod ng gate ng paaralan na to, hinihintay ang pag labas ng mga chosens.
Kumakain lang ako ng pagkain nila sa mundong to.
Ninanamnam ang paligid. Habang ku
makain, Bigla ko silang nakita, naglalakad. Nakalabas na pala sila.Agad kong tinapos ang aking kinakain, at agad na uminom ng tubig.
Hinintay ko munang makalayo-layo sila bago ko sila sinundan.
Panay tago sa gilid, sa puno, o di kaya sa mga halaman, ang ginagawa ko habang sinusundan sila. Para kasi hindi nila ako mahalata.
Kailangan ko tong gawin dahil ito ang nai-atas saakin na misyon.
Habang sinusundan ko sila, malayo layo ang distansya ko sakanila, ng bigla nalang marinig ko ang isa nila kasama.
Agad akong nagtago sa malapit na puno at nakinig sakanila.
"Bakit parang may sumusunod saatin?" Tanong nung lalaking nakasense saakin.
"Oo nga eh, kanina ko pa yan napapansin." Rinig ko naman na pag-sangayun nung isang babae.
"Aish! Ano ba kayo, walang sumusunod sa atin, okay?" Pagpuputol rin nung isa nilang kasamang lalaki. Napahinga ako ng malalim ng marinig ko iyun. Hay salamat naman.
At yun nga, nagpatuloy na sila sa paglalakad, at ako naman, nagpatuloy nalang sa pagsunod sakanila.
Pero sa pagkakataong to mas nag-ingat na ako dahil, palaging sumusulyap sa likod nya yung babae. Siguro curios sya sa sinabi nung kasama nya.
Kaya kailangan ko na talagang mag-ingat. Malayo-layo narin ang narating nila at nakakampanti na ako dahil hindi na sila muling lumingon sa likuran nila, ng bigla nalang...
Agad akong nagtago sa likod ng isang malaking kahoy na nakita ko dahil bigla nalang kasi silang lumingon.
Ng silipin ko, nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala na sila. Agad akomg lumabas sa likod ng puno at tumakbl sa kinaroro-unan ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko at napatadyak. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nagbabasakaling baka makita ko sila ng...
Habang naglalakad ako biglangay pumalo sa likod ko.
Alam ko namang hindi ako maapektuhan nun dahil simpleng palo lang ng mga mortal iyun, pero sa palong to, parang buong katawan ko papunta sa pagkaparalisa.
At isa lang ang alam kong kayang gawin yun, at yun ay isa ring immortal na katulad ko.
Habang unti-unting nanglalabo ang mga mata ko, hindi na ako nag-alinlangang gamitin sana ang kapangyarihan ko.
Kaya lang, inulit nong nagpalo saakin ang pagpalo ng hindi ko alam na bagay, kahoy ba yun o bakal, dahilan para diretsong manglabo ang paningin ko at dagli lang na nawalan ako ng malay...
_________________________________________________
Monique's POV
Kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayun.
Simula nung mapansin at sabihin nina Bernard at Lyz na may sumusunod saamin, hindi na napakali ang isipan ko, at alam kong ganun din ang mga kaibigan ko.
Ramdam na rin talaga naming may nakasunod talaga saamin. Pero kahit ganun, pinagpatuloy lang namin ang paglalakad namin.
"Mon." Mahinang tawag saakin ni Lyz.
Tumingin ako sakanya. "Bakit?" Agad kong tanong.
"Halika muna dito, para kasing hindi na to tama eh." Saad nya na agad ko namang naintindihan. At kahit pa may tampo pa ako kay Rence lumapit parin ako sakanila.

YOU ARE READING
Dactor Craig Smaith Experiment
FantastikDoctor Craig Smaith's Experiment is not that usual experiment we do in our school or in our own laboratory. It is an experiment where the subjects was humans, and worst, it is a students. And the antidotes was blood mixed by such powerful hearts. T...