Prologue

48 4 1
                                    

PART 1: EXPERIMENT TO POWER  4-29-2021
_________________________________________________

Manhid ang mga kamay ko dahil sa sakit, dulot ng lubid na marahas na itinali sa mga kamay ko.

Mabilis rin ang aking paghinga dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko.

Nang mabawi ko na ang mabilis na paghinga ko dahil sa sobrang takot, agad akong bumangon pa-upo, at sa ikinagulat ko...

Marami kaming nakahandusay sa sahig pari-parihas na nakatali ang mga kamay.

Kasama ko nga ang mga matatalik kung kaibigan eh, at halos madurog ang puso ko sa nakita kung kalagayan nila.

"Terrence," malumanay kung tawag kay Terrence, na ngayun ay nakahandusay at walang malay.

Makailang ulit ko rin syang tinawag bago ko marinig, ang pag-ungol nya tanda na nagigising na sya.

Nakarinig rin ako nang iba pang pag-ungol, dahilan para matingnan ko isa-isa ang iba naming mga kasama na bumabangon, kasama naroon ang mga kaibigan ko.

"N-nas-saan t-tayo?" Rinig kung tanong nung babaeng hindi ko kilala. Ramdam at rinig sa boses nya ang matinding takot. Bakit parang namumukha-an ko sya?

Nang wala syang makuhang sagot saamin sa tanong nya, bigla syang tumayo, at parang ewan na nagsisigaw ng katagang 'Tulongan nyo ako!, Tulongan nyo kami!', kahit alam nyang wala namang makakarinig dahil sa nakikita ko sa labas marami itong kakahuyan.

"Nezz!, Tumigil ka na dyan!" Sita sa kanya nung lalaki na nakita ko kaninang mas pinili pang umupo sa may pader nang maliit na kwartong ito. At sa ikinagulat ko, si Nesmon  iyon. Huh? anong ginagawa nila dito?

"Anong Tumigil Nesmon?! Hindi ka ba natatakot sa nangyayari sa atin ngayon? Ha?!" Sabay sigaw na naman ng tulong.

"Nezz tumigil ka na dyan, please,," Rinig kung sabi nung isang babae, na hindi ko rin kilala.
Nakita kung hinawakan sya nang babae sa may braso. Nqmumukha-an ko rin sya ah. Sila kaya yung mga kasama ni Nesmon Tradelya na nakita ko noong araw na pumunta sila sa skwelahan namin?

"Amiana.... Natatakot ako, hindi to pwede, hindi pwede!" Malakad na hagulhol nung babae habang yinayakap at pinapatahan sya nung Amiana ang pangalan.

Habang malungkot na tinitingnan ko ang dalawang babaeng iyon, biglang may sumindot saakin at mahinang tinawag ang pangalan ko.

"Hoy Kaikan," Mahinang tawag ni Terrence saakin.

Tiningnan ko sya at binigyan ng 'bakit?' look, dahil hindi ko magawang makapagsalita ngayon.

"Okay kalang ba?" Tanong nya, sabay tingin sa mukha, at magkabilang braso ko.

Nang makita nyang wala naman akong pasa, maliban nalang sa mga kamay ko, na patuloy parin sa pamamanhid.

Tinangu-an ko nalang din sya for assurance.

At nang matapos ko syang tangu-an agad syang bumwelo at tumayo.

Napa tingala pa ng ako eh, dahil sa naka-upo pa ako.

Nakita kung agad nyang hinanap ang iba pa naming mga kaibigan. At ng makita nya na ito agad syang naglakad, na parang bang walang ibang tao sa paligid nya.

Nakita ko pa ngang kunot noo syang tiningnan nang mga taong kasama namin dito sa loob ng maliit na kwartong ito eh.

Mas lalo akong nanlumo nang makita ko ang ginagawa ni Terrence, pinuntahan nya ang lahat ng mga kaibigan namin at matyaga itong tinatanong kung okay lang ba sila. Pati nga yung mga ibang tao ay tinanong nya kung nga lang ba eh.

Nang masigurado na ni Terrence na ang lahat ay okay lang, agad syang bumalik sa pwesto kung nasaan ako.

Nakita ko nung nasa harap ko na sya ang matinding lungkot at takot sa mga mukha nya, na mas ikinapanglumo ko.

Nang maka-upo na sya, tiningnan nya ako at malungkot akong nginiti-an.

Nanaig ang katahimikan matapos ang pagtatanong ni Terrence kanina, na mas lalong ikinalungkot ko.

Nakita kung napapahikbi ang mga kasama naming babae, na agad namang pinapatahan ng iba. Nakita ko rin na malungkot lang na nakayuko ang mga kasama kung lalaki at marahas na ikinuyom ang mga kamay nila.

Habang ninanamnam namin ang katahimikan, biglang nagsalita ang babaeng kanina ay walang humapay kung humingi ng tulong.

"Uhhmm.. Sino nga pala kayo?" Tanong nya saamin. Pero para rin syang napahiya nung walang sumagot sa katanongan nya. Kaya agad akong nagsalita.

"Ah, kasi..." Pag-aalinlangan ko. "Ako nga pala si Kaikan, Kaikan Tosmie" pagmamalakas na loob kung sabi. "At ito naman si Terrence Trousma," turo ko kay Terrence na tumango nalang din, "At iyun naman sila Lyzlee Quanto, Triea Escalante, at Monique Puentevella."  Turo ko isa-isa sa mg kaibigan kung babae.

Nakita kung tumango yung babaeng nagtanong saamin.

Habang ganun ang sitwaston, inaasahan kung sasabihin rin nila ang mga pangalan nila, pero  umabot ang ilang minutong katahimikan, pero wala ni isa sa kanila ang nagbigay ng mga pangalan nila.

Hindi ko an natiis ang katahimikang bumabalot sa silid na pinaglalagyan saamin.

Kaya kahit nahihiya ako, lakas loob ko silang tinanong sa mga pangalan nila.

"Uhm.. K-kayo? Anong mga pangalan nyo?" Lakas loob na tanong ko sakanila.

Nakita kung napatingin sialng lahat saakin, kaya bahagya akong napakamot ng ulo.

Magsasalita na sana ako, na okay lang kahit hindi nila sabihin nang magsimulang magsalita yung babaeng nagtanong saamin kanina.

"Oh.. I'm sorry, hindi nga pala nabigay rin ang mga pangalan namin." Malungkot na nakangiting sabi nung babae.

Tumango nalang ako para sa pagsang-ayun.

"Ako pala si Nezz, Nezz Tialme," pakilala nya sa sarili nya. "At ito naman si Nesmon Tradelya" turo nya kay Nesmon nyla naka-upo lang doon sa dingding ng kwarto." At iyun naman sila Tendrae Ismael, Amiana Zeguera, at Enan Myuque." Turo nya sa tatlo, na ngayon ay magkakatabi narin.

Nakita kung tumango sialng lahat saakin, pahiwatig siguro sa pagtanggap nila ng pakikipagkilala.

Nang matapos ang pagkikilala namin sa mga sarili namin, halos napatayo kami sa gulat ng biglang may pumasok sa kinalalagyan naming kwarto.......

__________________________
A.N

Hi everyone! Ito po ang bagong version ng DOCTOR CRAIG SMAITH EXPERIMENT. kasi po yung _jhon_lorenz_na wattpad acc. ko, hindi ko po ma-open. Dun ko po sinulat ang Storyang to, kaso nga lang sa hindi ko po alam na dahilan, bigla nalang itong na log-out, at hindi ko na po ma-open.

By the way. Itong storyang to, kung sino ang nakabasa nung una kung isinulat, parihas  lang po, pati yung characters, kaso lang iniba ko na ang prologue hanggang sa paparating pang chapters may idinagdag po ako. Pero wag kayo mag-alala, parihas lang po ang plot ng story. Mas pinaganda ko lang ngayun.

Thank you everyone, for understanding!

Your Author: LoREnz900

Dactor Craig Smaith ExperimentWhere stories live. Discover now