-KRYSTAL-
“Manonood ka ha! Hoy sumagot ka.”
Kanina pa ako kinukulbit ni Kai, nakakairita na nga e mamaya sisikuhin ko na siya sa mukha.
“Oo na nga e, ang kulit mo no? Kailan mo pa ban ire-remind sa kin yan? 1 week na Kai grabe ka pwede ka paano ko pa makakalimutan?” iritang sabi ko sabay irap sa kanya.
Nag-pout siya. “Naninigurado lang no.”
“Nakakainis e, tingnan mo naka-mark pa nga at may alarm yung date at oras ng pageant sa calendar ko.” pinakita ko sa kanya yung calendar sa phone ko bilang ebidensya.
“Nice. Ibang klase ka ah, yan ang tinatawag ko na suporta.” Sabi niya at ningisihan ako. Parang tanga.
Inirapan ko na lang uli siya. Pero natutuwa ako sa loob loob ko, kasi medyo nagiging okay na kami hindi tulad nung nakaraan na away kami ng away. Hindi ko alam kung dahil parehong may nagbago sa ugali namin, ganun pa rin naman ang pakikitungo ko sa kanya. Ah baka nga siya ang nagbago. May nakain sigurong pampabait.
“Nice, tingnan mo oh ang dami na agad likes ng picture ko sa facebook. 3k na, may hahabol pa ba? Hahaha.” Sabi niya habang di maalis ang tingin sa laptop niya. Ah... nandito nga pala kami sa may bench sa field. Free time.
“Now yan yung ayaw sumali sa pageant, natutuwang maraming likes ang picture nya tss.”
Sinamaan niya ako ng tingin. “Palibhasa likes mo sa facebook zero balance e.”
“Wala akong facebook no.”
“Aha.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Wala nga talaga, kahit twitter wala. I hate social media masyado kasi silang nangingialam.”
Tinitigan niya lang ako ng matagal without mouthing any word.
“What?” tanong ko nung mailang na ako.
“Nothing, just you.”
“What about me?”
“Wala wala, woo! 3,212 na o! Kanina 3,211 lang to hahaha. Grabe ang gwapo ko talaga.” Sabi ni Kai at umiwas ng tingin.
“Weird mo, actually pa weird ka ng pa weird. May problema ka ba sa pagiisip?” tanong ko, seryoso to.
Sinamaan niya na naman ako ng tingin. “Ikaw ang wirdo no, 20th century na pero yung damit mo pang 18th century. Hahaha. “
Anong paki nya ba sa outfit ko? naka bestida kasi ako na floral tapos nakabraid yung buhok at nakasalamin.
“Alam mo di ko pinapakialaman yung pananamit mo kaya wag mong pakialaman yung sakin.”
BINABASA MO ANG
SHE'S THE FAIREST (On-going)
Teen FictionI'm not pretty. No! I'm pretty. I just don't want to be. -Krystal