SCENE 13: WHY?

457 14 7
                                    

-Kai-

"Kai."

Napaangat ako ng tingin nung may tumawag sa pangalan ko. Si Sehun pala. 

Nagbato siya ng soda sa kin na nasalo ko naman agad tapos tumabi siya sa kin. 

"Bakit mag-isa ka dito sa field? Wala kang klase?"

"Tinatamad ako." eh nakakatamad naman talaga eh, paano yung prof parang nagmimisa.

"Di ka dapat nag iiskip ng klase college na to di na high school."

Nag-smirk ako sa kanya. "Para ka talagang magulang kung makapangaral eh no? Yaan mo pangaralan mo man uli ako mag iiskip pa rin ako ng klase."

"Gago mo."

Tinawanan ko lang siya. Hanggang sa may maisip akong itanong. 

"Nga pala... Kumusta yung panliligaw mo kay Krystal?"

"Tama bang narinig ko na tinawag mo siya sa pangalan niya?"

"Basta sagutin mo na lang tanong ko sesegway ka pa eh."

"Haha ge. Pero... Ayun di pa siya pumapayag na ligawan ko siya--"

"TALAGA?" Napatigil siya sa reaksyon ko. "Ah ibig kong sabihin... Bakit?"

“Siguro kailangan niya talaga ng time.”

Napa-smirk ako. Akala ko pa naman pumayag na siya.  Pero aaminin ko, nakahinga ako ng maluwag. 

"Bakit naka-smirk ka diyan?"

sumeryoso naman ako agad.  "Wala, naisip ko lang ang choosy niya.  Haha."

"Wag mo ngang pagtawanan, kasalanan ko rin naman eh pabigla bigla ako. Pero naniniwala ako Kai na papayag din siya at magiging kami."

Napaiwas ako ng tingin kay Sehun nang marinig kong sabihin niya yun. Seryoso? Pano ko? Kung tutuusin n-nauna ako na...

"Ikaw kumusta naman yung pakikibaka mo sa babaeng gusto mo? Nakita mo na ba uli? Ang tagal mo ng kinukwento sa kin ni hindi mo naman pinapaalam ang itsura kahit nga pangalan eh. Ano na Kai?"

"Yokong sabihin secret muna." sabi ko agad, may balak naman akong sabihin sana sa kanya eh kaya lang mukhang di na magandang gawin yun ngayon. 

Bwisit. 

"Ang daya naman nito."

"Baka agawin mo eh."

"May Krystal na ko ulol."

Nag-smirk ako ulit.  Yun nga eh may Krystal na siya, may Krystal siya na dapat sa kin. 

Kaso mali naman na isisi ko kay Sehun to. Pareho lang kaming walang alam dito. Di ko rin naman masisisi si Krystal hindi ko naman alam ang dahilan niya una palang. 

"Pasok na ko Sehun." tumayo na ako.

"Akala ko skip ka?"

"Onga, edi sa next class. Isip nito."

"May klase pa kayo? Sabi ni Krystal last class niyo na ngayon kaya nga hinihintay ko na lang siya eh sabay kaming uuwi."

Sus lagi naman kayong sabay umuwi eh ano pa bang bago? Pero teka, onga pala last class na yung iniskip ko ngayon tsk.

"May klase pa kami, joke niya lang yun. Ge, text kita pag tapos na klase namin."

"Ganun?"

"Onga, mukha ba kong sinungaling? Tong gwapong to ha? Ge."

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon