SCENE 11: SHE CAN'T BE HER

445 13 14
                                    

-Kai-

"Ma, Anong apelyido nina Tita Rome?" tanong ko sa nanay ko nung maabutan ko siyang nagluluto sa kusina. 

"Bakit mo tinatanong?" balik tanong niya habang hawak pa yung sandok. 

"Basta sagutin mo na lang... Po." napakamot ako sa ulo ko, kasi naman magbabalik tanong pa eh di na lang sumagot ng diretso. 

"Aba... Kung makipagusap ka sa kin parang tropa mo ko ah. Nanay mo ko hoy."

"Eh bilis na kasi sagutin mo na lang.... Po."

"Ayokong sagutin, alamin mong mag-isa."

Hala ka?

"MA!"

"Tingnan mo to sinisigawan pa ko, batuhin kaya kita ng sandok diyan?"

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko... Po"

"Ayoko nga, ikaw may gusto sa anak ni Rome edi ikaw umalam mag-isa.  Kaya mo na yan Kai!" aniya at ningisihan pa ko.  Aba naman.

"Ewan papasok na lang ako sa school... Po"

Nakakabugnot naman laking tulong na nagawa ng nanay ko eh no? Ibang klase talaga.  Tsk.

Pagkarating ko sa school, as usual marami na namang babae, pusong babae at malapit ng maging babae ang nakatingin sa pagdating ko.  Ganyan talaga kapag gwapo hindi ko na kailangang ulitin pero mas maganda na yung malinaw.  I'm the best. 

"Excuse me, uy excuse me. " napatigil ako sa paglalakad nung may kumalabit sa likod ko. Tiningnan ko siya. 

"Ano bang ini-excuse me mo? Edi dumaan ka bakit kailangan mo pa mangalabit tsk." maganda sana siya kaso mukhang papansin.

"Ang sungit naman nito, may itatanong lang ako eh."

"Hindi mo ba ako kilala ha... Miss?"

"Hindi eh, pero mukhang sikat ka dito kasi maraming nakatingin sayo, sabagay gwapo ka rin naman---"

"Anong sabagay? Gwapo talaga ko no!" nabulag pa ata tong babaeng to hindi niya makita ng malinaw ang pinagkaiba ng may mukha sa gwapo.  Tsk. 

"Mahangin ka pala, o siya sige na hindi na ako aangal sa sinabi mo basta sagutin mo lang yung itatanong ko---"

"Ayoko." sagot ko agad sa kanya saka mabilis siyang tinalikuran.  Mukhang bagong salta lang dito sa school eh ako agad nakita ah baka nag-transfer lang yan dito para magpapansin sa kin. Sabi na nga ba ang layo ng nararating ng kagwapuhan ko eh.

"Uy saglit lang naman kasi may itatanong lang naman talaga ako eh."

Sinundan niya ako.  Nyeta naman oh.

"Ayoko nga at wala akong balak sagutin kung ano man ang gusto mong itanong--"

"Kilala mo ba si Krystal Mallari?"

Napatigil ako sa sinabi niya.  Ano uli yung narinig ko?

"Anong sabi mo? Ulitin mo nga. " sabi ko.

"Hay mahangin na bingi pa, talento mo ba yan ha? Tss.  Sabi ko kung kilala mo si Krystal Mallari!"

Galit pa ata siya ah.  Ibang klase pero di nga ako nagkamali ng dinig.  Hinahanap niya si Maangas na nerd.

"Hindi ko yun kilala kaya lubayan mo na ako."

"Hay ganun ba? Ano ba yan ang dami ko ng pinagtanungan wala man lang nakakakilala sa kanya? Sabi dito siya nag-aaral.  Sikat yun nung elementary at high school kami kaya imposibleng di siya maging kilala dito."

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon