SCENE 9: CONFESSIONS AND FEELINGS

555 19 23
                                    

-Kai-

Pareho lang sila ng pangalan, at yung subdivision na pinasukan nila... naku ano bang malay ko kung katulong lang dun ang nerd na yun! Oo tama, nagkataon lang ang lahat. Hindi pwedeng iisang tao lang sila, common sense naman nu sinong pinanganak na maganda ang gugustuhing maging pangit? Ang dami dami kayang nagpaparetoke diyan para lang gumanda. Pero nakakainis na ah isang linggo ko ng iniisip yung nerd na yun, ayaw niyang umalis sa utak ko pupu!

“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah.”

Bungad ni Sehun sa kin at binato sa kin yung isang can ng soda. Nandito kasi siya sa bahay ko, may nakain ata at dumalaw dito.

“Ako may malalim na iniisip? Kala mo lang yun.” Sabi ko at tinungga yung soda.

“Ang layo kasi ng tingin mo.”

“Ang ganda ng garden namin eh, maganda na sana ang view dumalaw ka pa dito.”

“Haha.”

Tiningnan ko siya, ayos din to eh. Teka bakit nga ba siya nandito? Tapos kanina pa siya ngumingiti na malay ko kung anong dahilan.

“Bakit parang ang saya mo?” di ko maiwasang tanong.

“Ah napansin mo pala.”

“Eh kanina ka pa kaya ngiti ng ngiti! Mukha kang siraulo—“

“Kai, I think I like someone.”

“Oh ano ngayon?” di naman nakakagulat kung may gusto siya, basta babae ah.

“I think I like Krystal”

Nabuga ko yung iniinom kong soda nung marinig kong sabihin niya yun! Puta nabingi ako dun!

“Bakit ganyan naman ang reaksyon mo? Selos ka—“

“ULUL! Ulitin mo kaya yung sinabi mo baka mapabuga uli ako.”

“Bakit naman? Sige uulitin ko, I think I like Krystal—“

“Tokneneng wag mo ng ulitin nakakasuka talaga.”

“At balak kong ligawan siya—“

“Takte Pre wag na wag mo ng babanggitin yan sa harap ko.” sumenyas pa akong tumigil na siya.

Alam ko namang super pa sa super ang closeness nila ngayon eh, kulang na lang talaga relasyon. Pero nakakaulol naman di ko inisip na magugustuhan talaga ni Sehun yung pangit na yun!

“Teka, naapektuhan na rin ba yang mata mo? Akala ko pananalita lang may diperensya sayo.”

“Ha?”

“TAKTE SEHUN ANG PANGIT NUN—“

“Wag ka lang kasi tumingin sa panlabas na kaanyuan Kai, maganda si Krystal at habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala—“

“Tama na talaga wag mo na ikwento.”

“Ayaw mo ba sa kanya?”

“H-Ha?” napaisip ako sa sinabi ni Sehun, ayaw ko ba sa kanya? “Hindi naman sa ganun, wala naman akong magagawa kung gusto mo talaga yung—“

“KAYA MAHAL KITA EH SUPORTADO MO KO! I LOVE YOU KAI!” bigla niya akong inakbayan.

“Yuck kadiri lumayo ka nga sa kin! Gay!”

“Mwa!”

“SEHUN!!!!” takte bigla ba naman akong halikan sa pisngi? “Ang bakla mo gagu!”

Tinawanan niya lang ako, gagu talaga. Pero teka lang... hindi ko pa pala nasasabi sa kanya Krystal din yung pangalan ng babaeng nagugustuhan ko. Shet. Sus magkaibang tao naman eh magkapangalan lang! Tsaka saka ko na sasabihin kay Sehun kapag girlfriend ko na para isang gulatan na lang. *Grins*

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon