-Krystal-
Bakit kaya di pumasok si Kai sa klase namin ngayong araw? Nandito naman siya kanina.Teka bakit ko ba siya inaalala eh mas masaya pa nga kung di ko siya nakikita.
Paglabas ko ng room, nagulat pa ko nung makita sa gilid si Sehun na mukhang kanina pa naghihintay.
"Uy Sehun bakit ka nandito?"
"Hinihintay kita." sabi niya at ngumiti na kahit sino sigurong makakita ay kikiligin. "Wala si Kai?" tanong niya maya maya at sumilip pa sa room.
"Malay ko dun, kayo ang magkaibigan ah bakit di mo alam?"
"Siraulo talaga yun umabsent na naman."
Kasama niya pa rin kaya si Nana? Nasagot ang tanong ko nung makita ko si Nana na naunang bumaba sa hagdan. Pinigilan ko pa nga si Sehun baka kasi bigla kaming makita ni Nana.
"Sehun, kilala mo ba yun?"
"Yung kasama ni Kai kanina? Ah... Siya yung pinag-uusapang bago ng mga kaklase ko kanina. Alam ko taga Fine Arts Department siya bakit kaya siya nandito sa building niyo?"
"Ikaw nga taga Engineering Department eh. Bakit ka nandito?"
Napatigil siya at tiningnan ako. "Hinihintay nga kasi kita."
Oo nga pala, pero si Nana... Baka sinusundan niya ko? Ano na naman bang gusto niya?
"Sehun! Maya ka na umuwi tawag ka ni Coach!"
Sinalubong kami nung mga team mates ni Sehun. Agad niya naman akong tiningnan.
"Krythal..." parang bata na naman siya.
"I guess di na naman tayo sabay? Okay lang yun."
"Pero kathi..."
"Malapit na laban niyo diba? Sige na, may bukas pa naman."
"May practice rin kami bukas."
Hindi na naman kami sabay bukas?
"Kung ganito palang lagi na kong nawawalan ng oras sayo, pano kapag tayo na?"
"Ang advance mo mag-isip ah. Hindi yan, ano... Hihintayin na lang kita bukas para sabay tayo umuwi. Okay na ba yun?"
"Pero baka masyadong gabihin."
"Okay lang yun ikaw naman eh. Ano deal? Kaya sige na." tinulak tulak ko siya papunta sa mga team mates niya na mukhang naiinip na.
"Sehun may bukas pa para lumandi! Tara na! Haha." kantyaw nung isa niyang kasama.
"Ano ba yan."
"Sige na Sehun, babye!" nag wave ako sa kanya.
Nag wave rin siya at pilit na ngumiti. Halatang ayaw niya talaga mag laro ngayon pero wala siyang magawa. Ang cute lang ni Sehun.
-Kai-
Hindi ako pumasok buong araw. Kasi pumunta ako sa bahay nina Krystal. Inutu-uto ko pa yung guard papasukin lang ako at ituro ang bahay ng mga Mallari. Dito nga nakatira ang nerd na yun? Nandito lang ako sa labas ng bahay nila, sa loob ng kotse ko. Inaabangan ko siyang dumating.
Maya-maya pa ay may nakita akong taxi na tumigil sa harap ng bahay nila. Bumaba dun si nerd. Napatingin pa siya sa kotse ko bago siya mag door bell. Hindi siya hinatid ni Sehun?
Mas mabuti na rin yun dahil ngayon kami magkakaalaman. Pagkapasok niya, saka ako lumabas ng kotse ko at nag door bell din.
-Krystal-
BINABASA MO ANG
SHE'S THE FAIREST (On-going)
Teen FictionI'm not pretty. No! I'm pretty. I just don't want to be. -Krystal