-Kai-
"MA ALIS NA KO!" nagmamadaling sigaw ko ng makababa ako ng hagdan. Puta. Alam niyo yung late na ako?
"Hijo kain ka muna!"
Sinenyasan ko lang yung nanay ko na wag na. Sobrang late na ako. Kasi naman, umaga na ako nakatulog, iniisip ko kasi siya. Si Krystal-- hindi yung pangit kong kaklase kundi yung magandang babaeng itinadhana sa kin. Leche naman kasi bakit ba pareho ang pangalan nila. Pero saka ko na yun iisipin, sa ngayon kailangan kong isipin kung paano ako agad makakarating ng school. Hindi ko na gagamitin ang kotse ko, pampatagal eh maghahanap pa akong parking nun sa school. Pumara na lang ako ng taxi at dun ako sumakay, taxi para di makasagap ng polusyon ang kagwapuhan ko Tss.
Nung natanaw ko na yung gate ng school, putek ang lawak ng ngiti ko. Nung namalayan kong nagmumukha na akong siraulo mabilis akong nagmukhang seryoso. Ano naman kasi kung ma-late ako? Para namang top student ako. Pero di ako sanay na nale-late eh. Yung pangit na Krystal lang naman ang laging late. Baka sabihin niya inaagawan ko pa siya ng trono kapag nakita niyang late ako. Putakte.
Nasa pintuan na ako ng classroom nung makuha ko ang buong atensyon ng klase at magtama na naman ang paningin namin. Yung pangit na Krsytal ang tinutukoy ko. Una siyang nagbawi ng tingin di kinaya ang kagwapuhan ko. Tss. sabi ko na nga ba apektado siya sa karisma ko. shet Kai ang gwapo mo talaga.
"Goodmorning Sir, sorry I'm late--"
"Oh I think you have a partner now Miss Mallari."
Pinutol nung panot na prof ang sinasabi ko. Pero nagtaka naman ako sa sinabi niya. Napabalik ako ng tingin kay Krystal pangit na nanlalaki ang mga mata sa gulat.
"S-Sir?"-Krystal Pangit.
Ako naman, dumiretso na dun sa upuan kong katabi ni Krystal pangit. Dun lang available eh, no choice. Di na ako nagpaalam dun sa panot na prof na uupo ako, di nga ako pinatapos magsalita eh. Magbastusan kami.
"Mr. Ledesma, Miss Mallari will be your partner for reporting."
Hindi pa nadadama ng pwet ko yung upuan nang mapatayo ako uli.
"ANO SIR?" Tangina parang nabingi ako dun ah.
"Uulitin ko pa Mr. Ledesma? Ang sabi ko si Miss Mallari ang--"
"SIR AYOKO!" di ko na naman siya pinatapos ang gwapo kong bastos. WALANGHIYA! Tiningnan ko si pangit. "AYOKO MAGING PARTNER TO!"
"HOY HINDI RIN NAMAN KITA GUSTONG MAGING PARTNER NO!"
Tumayo rin siya pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa kin.
PAKINSHIT.
"Sir ayaw namin pareho, see? Hindi kami magiging productive--"
BINABASA MO ANG
SHE'S THE FAIREST (On-going)
Teen FictionI'm not pretty. No! I'm pretty. I just don't want to be. -Krystal