SCENE 17: YOU'RE NOT SORRY

211 6 6
                                    

-Krystal-

Hinatid ako ni Sehun pauwi, as usual. Di nga ako umiimik buong byahe eh. Iniisip ko kasi si Kai. Tinext ko siya at tinawagan pero walang anumang sagot galing sa kanya. Lalo tuloy akong kinakain ng guilt.

"Hey, are you okay?" tanong sa kin ni Sehun nung tumigil siya sa mismong harap ng gate namin.

Umiling ako, that's all I can do. Napakastupid ko kasi na di mapansin ang mga text ni Kai. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko, di pa ako nalabas ng kotse ni Sehun kahit nasa harap na ako ng bahay ko.

"Gusto mo kausapin ko siya?"

Napatingin ako kay Sehun. "You don't have to do that, I'll talk to him kasalanan ko naman talaga eh."

"Pero di rin ako nakapunta."

"Then we'll talk to him, tomorrow but not now, hayaan na lang muna natin siyang magpahinga." sabi ko with a heavy sigh.

"Then you should take a rest too, saka wag ka na masyado magisip maayos din to. Kai is hardheaded though."

Nag-smile ako sa kanya ng tipid. Kinuha niya naman ang kamay ko at pinisil yun. Tapos lumabas na ako ng kotse niya.

"Take care." sabi ko sa kanya bago pumasok sa loob.

Sana, sana bukas makausap ko si Kai. Pero sa ngayon, mukhang di niya ako papatulugin kakaisip sa kanya.

--------------------

-Kai-

Narereceive ko ang mga text niya, pati tawag niya. Wala lang talaga akong ganang sumagot. Naba-badtrip ako sa kanya as in. She promised. Alam kong dapat akong makinig sa paliwanag niya pero mas pinapairal ko ang pride ko.

Saka alam ko naman kung ano ang dahilan kung bakit di siya nakarating. Ah mali, sino pala ang dahilan. Si Sehun. Sino ba ko para magselos? Walang wala nga naman ako kumpara kay Sehun! Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa cellphone ko. Binuksan ko yung isang voice message niya.

"Kai, I'm so sorry please don't be mad. Call me."

Tunog malungkot ang boses niya. Pero don't be mad? Anong akala niya sa kin walang pakiramdam? I decided to call her.

Isang ring palang sinagot niya na kaagad.

[Kai? Oh My God! Tinawagan mo ba ako dahil tinatanggap mo na ang sorry ko?]

The hell.

[Kai, sorry talaga hindi ko sinasadya. Pupunta naman talaga ako eh, kaso hindi ko alam na nabago...]

Hindi ako nagsasalita, hinayaan ko lang siya. Pumunta ako sa veranda at nakalagay lang sa tenga ko ang cellphone.

[Kai, are you there? Alam kong nandiyan ka. Di mo ba ako kakausapin? Okay, then atleast you're listening. Magusap tayo bukas please? Masyado na akong guilty I swear.]

Hindi pa rin ako nagsalita. Ang marinig siyang alalang-alala ay kinatutuwa ng puso ko. Pero di ko igigive up ang pride ko. Not now. Sounds like, I'm enjoying this game.

[Kai, I'm really sorry]

Pagkasabi niya nun bigla kong binaba. May narinig kasi akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko si Sehun, agad na bumalik ang init ng ulo ko.

"At anong ginagawa mo dito?" bungad ko sa kanya.

"C'mon Kai, misunderstanding lang to. Wag mo ng palakihin."

Nag smirk ako. "Misunderstanding? Misunderatanding ba yung ang linaw linaw ng text ko, ni hindi niya pinagkaabalahang buksan dahil ano? Dahil busy siya sayo?"

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon