SCENE 14.1: HIS TRUE FEELINGS

431 17 9
                                    

-Krsytal-

Hindi ako mapakali kakaikot sa loob ng kwarto ko. Kakauwi ko lang galing sa dinner namin ni Sehun. Sakto namang pagkahiga ko sa kama ko naalala ko si Kai. Mukha kasing... hindi siya okay kanina. Nag-aalala ba ko sa kanya? O baka nakokonsensiya lang ako kasi di ko siya tinulungan kung tutuusin nandun ako nung bumagsak siya? Sabi niya kasi okay lang siya baliw talaga yun.

Tinext ko na lang si Sehun. 

To: Sehun

Pwede ko bang mahingi ang number ni Kai?

Mabilis naman siyang nagreply.

From: Sehun

09*********

Ayan na. Bakit mo hiningi?

To: Sehun

May itatanong lang ako, thanks ha ;)

From: Sehun

No prob. Tulog ka na wag ka magpuyat. Goodnight pretty. 

Napangiti na lang ako sa reply niya, pretty daw. Nag reply ako ng good night sa kanya bago ko tinawagan si Kai. 

-Kai-

Ang hirap palang mag drive ng may sprain pucha. Buti nakauwi pa ko ng buhay. Kulit pa nung Nana na yun gusto ko nga sipain palabas nung mahatid ko na siya sa trabaho niya eh.  Wala ng ginawa kundi dumaldal di ko naman tinatanong. Pero mukhang kilalang kilala niya si Krystal. 

"Ano ba naman kasing pinaggagawa mong bata ka? Laki mong tao lampa ka naman!"

"Aray aray! Ma dahan dahan naman."

"Wag ka na lang pumasok bukas, pahinga mo muna to--"

"Ayoko papasok ako... Po."

Mukhang nagulat naman ang nanay ko sa sinabi ko. 

"Kailan ka pa sinipag pumasok?"

"Nu--" biglang nag ring ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Nagulat pa ako nung makita yung nag-registered na pangalan. Naka save ang number niya sa kin. May number ko pala siya--leche Kai sagutin mo na kaya. "H-Hello Krystal--"

Pati nanay ko napatigil sa paggamot sa sprain ko nung marinig ang sinabi ko. 

[Okay ka lang?] rinig kong tanong niya, nag-aalala siya sa kin? We.

Nataranta ako bigla at sinenyasan ang nanay ko na bitawan niya muna ang paa ko. Tapos paika-ika akong pumunta sa veranda ng kwarto ko. 

"Oo naman no okay lang ako bakit? Kala mo may nangyari sa kin no--"

[Wag ka na ngang magkunwari halata namang di ka okay kanina]

"Okay nga lang ako kala mo sa kin weak? Wag ka na mag-alala---"

[Hindi ako nag-aalala sayo no!]

Nilayo ko yung cellphone sa tenga ko halos sigawan niya na ko eh. 

"Kung di ka nag-aalala... Anong tawag sa ginagawa mo ngayon?"

Matagal siya bago sumagot. Kala ko nga binaba na niya eh. 

[Hindi ako nag-aalala nagtatanong lang ako.]

Nagtatanong daw. Naiimagine ko yung expression niya parang ang cute. 

"Kai ang tagal mo naman yung sprain mo!"

Sumigaw yung nanay ko. Ma naman eh!

[May sprain ka?]

Shit. Ayan tuloy narinig niya. Ay bad trip!

"Hindi nga wala, okay lang ako sa TV yung narinig mo--"

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon