SCENE 10: TOGETHER

517 22 13
                                    

-Krystal-

Tatlong araw na mula nung sabihin ni Sehun na gusto niya akong ligawan, at tatlong araw ko na ring iniisip ang tungkol dun. Pero kahit na araw-araw pa rin kaming nagkikita, hindi naman niya naiitatanong ang tungkol dun nagtataka tuloy ako kung panaginip lang ba yun o sadyang nag joke lang siya nung araw na sabihin niya yun.

“Alam niyo girls ako yung tipo ng lalaki na hindi na kailangan magpapansin para lang mapansin gets niyo? Effortless, I was born with a charm.”

“Ay oo nga Kai tuwing dumadaan ka nga napapanganga na lang ako you’re so hot, I wonder tuloy how it feels kapag yakap mo na ko.”

“Teka yakap lang ba talaga ang gusto mo?”

“Kyaah!!!”

Gusto kong takpan ang tenga ko hanggang sa wala na akong marinig. Ganun ang feeling ko ngayon dito sa classroom lalo na habang naririnig ko ang nakakairitang mahangin, hambog, masyadong bilib sa sarili, makapal ang labi at napakalanding boses ni Kai Ledesma. Kulang pa nga ata ang adjectives na sinabi ko para lang i-describe lahat ng pinaggagawa niya ngayon.

Take note, nasa pinakalikod na nga silang upuan dinig na dinig pa yung boses! Katabi niya yung mga kaklase naming babaeng ahm... kasing landi niya. Wala kasi kaming prof kaya nakakapaglandian sila ng ganyan. Pinili ko na lang tuloy matulog sa desk ko.

Pero di pa man lumalalim ang tulog ko, nakaramdam na akong may kumakalabit sa kin kaya napaangat ako ng tingin. As usual sino pa bang nambubwisit ng araw ko?

“Sawa ka na bang makipaglandian para ako naman guluhin mo?” irita kong tanong sa kanya na prente ng nakaupo sa katabi kong upuan, naka de-kwatro pa.

“What?” tanong niya na parang wala siyang alam sa sinasabi ko.

Inirapan ko siya bago bumalik uli sa pagtulog. Pero may nangalabit na naman sa kin, nag-angat uli ako ng tingin sa iba siya nakabaling ng tingin. Inusog ko na lang ang upuan ko.

Pero di pa rin siya tumigil, kinalabit na naman ako!

“ANO BA KAI?!” na-realize ko na napalakas ang boses ko.

“Inaano kita diyan?” pa-inosente niyang tanong na lalong ikinaasar ko. “Ahahahaha! Wag niyo pansinin si Krystal block mates! Boring na kasi yan eh hahaha—“

“Bwisit ka talaga kahit kailan!” tumayo ako at binato sa mukha niya ang notebook niya na nasa desk niya tapos saka ako umalis ng room.

Bwisit talaga yung kapal labi na yun, di nabubuo ang araw ng di ako naaasar. Mukha ba akong clown niya? Pakagat ko sa bubuyog labi nun ng lalong kumapal eh! Asar.

Nakakita ako ng bakanteng bench sa may field, doon na lang ako umupo habang nagpapalipas ng oras. Ang hangin, ang sarap tuloy matulog napapikit din ako.

“Krystal, nood tayo porn.”

Mabilis akong napamulat nung nakarinig ako ng nakakadiri! Pagtingin ko sa tabi ko...

“GO TO HELL!!!” sigaw ko agad sa kanya, kadiri eh! Teka bakit ba nandito na naman to sa tabi ko?

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Tara nood tayo porn, wala namang klase eh!”

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at umurong. Halos takpan ko rin ang sarili ko.

“KADIRI KA KAI—“

“Hahahaha!”

Napatigil ako nung bigla siyang tumawa na parang last day on earth na niya so treasure the moment.

“Anong nakakatawa? Natatawa ka sa kalibugan mo?”

“Hahahaha! Hindi, yung mukha mo kasi mukhang natataeng di makatae hahahaha!” hagalpak niya at pinalo palo pa yung bench.

SHE'S THE FAIREST (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon