-Krystal-
My Mom got angry with me again, it was the second week of me dressing the way she did not prefer. But this is my life right? I shall do what I want. Now I’m walking again in the school grounds. All eyes for an ugly girl like me. Seriously, what still I need to do to make their eyes off of me?
May dalawang klase ng popularity. Yung una ay yung may mga magagandang mukha kaya sikat, ikalawa ay yung may mga weird hanggang sa worse na pagmumukha kaya napapansin ng lahat, and I’m on the latter.
I can’t stay as an average girl, kahit gawin ko yun mapapansin pa rin nila ako kaya mas prefer ko maging pangit.
“MITH EXCUTE PADAAN AKO!!!!”
May lalaking nagmamadali na dumaan sa gilid ko. Buti na lang nakatabi ako agad kaya hindi niya ako nabunggo. Napansin kong ang dami niyang dala-dala habang nagmamadaling tumakbo.
Hanggang sa may malaglag sa mga dala-dala niya.
“Ay teka!” sabi ko at pinulot yung nahulog niya kaso nagmamadali talaga, ang bilis ng takbo baka late na sa klase.
Naalala ko yung bulol niyang pagpapatabi sa kin kanina. Parang natatandaan ko yung lalaking yun ah. Tiningnan ko yung nahulog niyang notebook at binuksan.
Sehun Montague
Civil Engineering, First year Class A.
May pangalan dun sa notebook niya. May nakalagay din na schedule ng mga klase niya. Lunes ngayon kaya tiningnan ko yung schedule doon, nung makita ko na napatingin naman ako sa Engineering Building.
Kailangan niya kaya tong notebook? Pwede naman sigurong mamaya ko na lang ibalik. Male-late na kasi ako sa klase ko. Maglalakad na sana ako sa building kung saan nandun ang room ko kaso napatigil na naman ako.
Baka kailangan niya to eh, nakakakonsensiya naman kung di ko ibibigay kaagad. Okay lang naman na ma-late ako ng kahit konti diba? Babalik ko lang talaga to saglit lang. Tapos naglakad na ako papunta sa Engineering building.
Hinanap ko yung room 327, kung saan magkaklase ang first subject niya tutal yun ang nakalagay dito sa schedule niya ngayong Lunes. Pagkarating ko dun syempre kinabahan ako, nagkakagulo pa yung ibang mga estudyante sa loob.
“Ah excuse me.” nakatyempo ako nung isang lalaki na malapit sa kin.
Saglit siyang napatigil nang makita ang ayos ko. May mali ba sa kin?
“BAKIT?” pagalit niyang tanong.
“Ah si S-Sehun Montague? Dito ba siya---“
“HOY MONTAGUE MAY NAGHAHANAP SAYONG PANGET!”
Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ay sinigaw niya na yun. Talagang dinamay niya pa yung kapangitan ko, edi okay.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE FAIREST (On-going)
Teen FictionI'm not pretty. No! I'm pretty. I just don't want to be. -Krystal