-Sehun-
Nakita kong namulaklak na yung mga halaman ni Mama sa garden. Pumitas ako ng isang daisy. Di naman siguro masama pumitas ng isa lang, ibibigay ko lang kay Krystal. Susunduin ko kasi siya ng hindi niya alam kaya gumising din ako ng maaga.
Sinabit ko sa pinaglalagyan ng seat belt sa passenger seat yung bulaklak bago pumunta sa driver's seat.
Ngayong pinayagan na ako ni Krystal na manligaw sa kanya, hindi ko mapigilang ngumiti. Ganito ba talaga ma in love? Masyadong mabilis pero masarap sa pakiramdam.
Pagkarating ko sa kanila. Agad akong pinapasok at sa sala pinaghintay. Nakita ko pa ang Mommy niya.
"Good to see you again iho, sabay kayo ni Krystal?"
"Yes Tita." sagot ko na medyo nahihiya.
"I see, akala ko si Kai ang tinutukoy ng maid na dumating, are you courting my daughter?"
Nabigla ako sa sunod niyang tanong pero wala naman dahilan para di ako sumagot.
"Yes Tita I'm courting Krystal."
Pero mas tumatak sa kin yung nauna niyang sinabi na nabanggit si Kai. Nakapunta na siya dito?
"Oh. Ikaw pala ang sinasabi niyang nanliligaw sa kanya, I thought all along it was Kai."
"A-Ako po, I don't think Kai will court her." bigla akong nakaramdam ng pagka uneasy. Kai courting Krystal? I don't t think that's a good thing.
"You know Kai?"
"He's my bestfriend."
"Oh. Krystal never told me. Nandito si Kai nung nakaraan and I really thought he's courting my daughter."
"Kai is not courting me Mom."
Sabay kaming napatingin kay Krystal na nakababa na pala at palapit na sa min, sa kin. Nginitian niya ako na ginantihan ko rin.
"But it's not impossible if both of them will court you right?"
No. Not with my bestfriend.
"Drop it, we're going." sabi ni Krystal at hinawakan ako sa braso bago kami dire-diretsong lumabas. Kumaway ako sa Mommy niya bago kami tuluyang makalabas. "Hindi ko alam na susunduin mo ko."
"I like to surprise you. Galit ka ba?" tanong ko at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.
"Of course not! Actually, It's sweet." sabi niya at ningitian na naman ako. Gustong gusto ko talaga kapag ningingitian niya ako.
Pagkasakay ko sa driver's seat at napalingon uli sa kanya, hawak na niya yung bulaklak. Tapos tinitigan niya ko pakiramdam ko tuloy namumula na ako.
"Flowers huh?"
"Ah... I like to surprise you again?"
Natawa siya.
"You look awkward."
"Ha?"
"It's sweet Sehun, Thanks." sabi niya at pinisil yung kanan kong kamay bago inamoy yung binigay ko sa kanyang bulaklak.
Di ko maiwasang mapa 'Yes!' sa isip ko, feeling ko tuloy ang lakas lakas ko na sa kanya.
Tiningnan ko siya uli bago pinaandar na ang sasakyan.
-Krystal-
Hindi ko naman first time na makatanggap ng bulaklak. Noon madalas din akong makatanggap pero iba pala yung feeling kapag gusto mo rin yung nagbigay sayo ng bulaklak-- oops may nasabi ako. Napasulyap ako kay Sehun na busy na sa pagdadrive. Nung feeling ko titingnan niya naako umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE FAIREST (On-going)
Teen FictionI'm not pretty. No! I'm pretty. I just don't want to be. -Krystal