1ST SHOT

1.7K 14 4
                                    


1st challenge ng team collab.

KeDan/DanKe pairing

Or

YoDrin/AlYo pairing

♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣

3RD PERSON P.O.V

Nagulat nalang si Al ng makatanggap ng tawag mula kay Yohan. Nagmamadali ito at mukang may problema at sa tono ng boses nito ay mukang nasaktan ito.

"Al please, pumunta ka dito... wag mong ipapa-alam kahit kanino... ayaw kong malaman nila lalo na ni kuya aren." Iyan ang nagmamadaling pakiusap ni Yohan ng tumawag ito alas dies ng gabi.

Hindi niya ginising si Aren gaya ng gusto ni Yohan.

Agad siyang nakarating sa lugar na sinabi ni Yohan at nakita ang isang katamtaman ang laki na apartment. Sa pag-aalala na baka nasaktan ito ay nagmamadali siyang pumasok ng bahay upang matulungan ito.

"Yohan narito na ako, ayos ka lang ba?" May pag-aalalang tanong sigaw niya mula sa sala.

"Dito sa taas, sa kwarto!" Sigaw nito.

Agad niyang hinubad ang suot na sapatos at nagmamadaling umakyat. Nakita niya sa dulong pasilyo ang isang bukas na pinto at bukas ang ilaw sa kwarto. Pumasok siya doon ngunit hindi niya nakita doon ang taong hinahanap.

Tatawagin sana niya ito ng bigla na lamang sumara ang pinto at nakasandal doon si Yohan. Nakalilis ang kaliwang balikat ng robe na suot nito at maluwag ang tali sa beywang, kita ang makinis na balikat at dibdib nito.

Napalunok siya sa nakita.

Pero mukang ayos naman ito kaya nagtaka siya.

"Ano... may- may problema ba? Nagmamadali ka kaya akala ko..." Hindi niya naituloy ang sasabihin ng lumapit ito at ipadaan sa kaniyang pisngi ang dalawang daliri nito.

"Hindi ako naniniwalang mahal mo si kuya aren." Bulong nito sa kaniyang tenga. Ramdam niya ang mainit na hininga nito doon na nagdala ng kakaibag kilabot sa kaniyang katawan.

"Ano bang sinasabi mo? Yohamph..." Hindi niya naituloy ang sasabihin ng bigla na lamang takpan ng bibig nito ang kaniyang bibig.

Isang mainit na halik.

Ngayong nararanasan niya ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lamang ang tindi ng pagnanasa ng iba sa kagandahang ngayon ay umaangkin ng labi niya.

Kung bakit handang gumamit ai Montereal ng lahat ng kayamanan maangkin lamang ang taong ito.

Kung bakit ibinuwis ni Mark ang buhay para dito.

Kung bakit halos mabaliw ang iba para makuha ito.

Halik pa lamang nito ay talagang dadalhin ka na sa alapaap.

Kung hindi siguro siya ikakasal kay Aren ay baka isa siya sa nakikipag-agawan makuha lamang ang taong ngayon ay inaangkin niya ang labi.

Ang kapatid ni Aren..

Kapatid ni Aren...

Si Aren..

Aren...

Malakas na naitulak niya ito at napahiga ito sa kama, lumabas ang mapuputi at makinis nitong hita.

Tumawa lamang ito.

May kakaiba sa ikinikilos niya at may kakaiba siyang natikman sa bibig nito ng makipag-halikan siya dito.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Itinuturing kang kapatid ni aren!" Malakas na sigaw niya dito.

Ngunit hindi ito naapektuhan.

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon