Au: Alternate universe☆★ kennedy x yohan ★☆
Kennedy of i'm the killers at yohan.
Isang test one shot lang po ito na pinag-uusapan ng team collab kung anong gagawin ni Aren kapag nilandi ni Kennedy si Yuwe and vise versa. Gusto ko lang i-sate ang curiosity ko kung anong mangyayari kapag naging kontrabida si Yuwe, naging flirty at bit b*tchy.
May fb page din po ang team collab named team collab. Dun po namin ilalagay ang mga work namin kaya po like nyo nalang po yung page. Thank you!
Kung may mga spelling errors po ay pasensya na dahil si watty ay nagtotopak at wala nanaman sa wisyo. Ayaw kumagat kapag nag-eedit ako. Sorry po!
xxxxxxxxxxxxxxxxxx
Maagang dumating si Kennedy sa manor ni Aren ng mag-isa lamang. Wala doon si Aren at Al dahil namasyal daw ang dalawa at hapon pa babalik, iyon ang sabi ni Tiffanie. Magisa lamang siyang pumunta dahil may inaasikaso ang kambal at ang iba ay nag-gagala sa mall, hindi naman siya nasamahan ni Rheigne dahil may dadaanan pa ito. Dumeretso siya sa kwartong kanilang tinutuluyan ng kasintahan at hihiga na sana ng makarinig siya ng lagaslas ng tubig. Kita kasi mula sa balkonahe ng kwartong iyon ang malaking pool ni Aren.
Lumabas siya sa balkonahe upang silipin kung sino ang naliligo.
Si Yuwe.
Naka-lutang ito ng pahiga sa tubig at kita niya ang makinis at maputing dibdib nito. Nang una nila itong makita ay napaka-bata pa nito at sila ng mga kaibigan niya ay mga magbibinatilyo pa lamang ngunit mga kabataang hasa sa pag-kitil ng buhay. Napakamusmos nito at hindi niya akalaing pag-laki nito ay isa na itong fully bloomed white rose.
At sinabi nilang walang makaaakit dito kapag ito ay nagmahal. Dahil kapag nagmahal ito ay tapat at totoo, walang halong biro, walang hinahanap na higit pa sa kaya mong ibigay.
And he's willing to prove them wrong.
Dahil siya, si Kennedy Fortuno ay handang patunayan sa lahat na mali sila at kaya niyang akitin ang kahit na sino. Ngunit nang bigla itong tumingin sa kaniya at kindatan siya sabay lubog ng katawan sa tubig ay alam niyang iba na ang nagaganap.
Siya na ngayon ang inaakit nito at willing siyang magpatangay.
Bumalik si Kennedy sa loob at nagpalit ng swimming trunks bago bumaba at dumeretso sa pool. Tumayo si Kennedy sa dulo ng pool at tinitigan si Yuwe na nasa kabilang dulo at nakatalikod sa kaniya, nilalaro ang siberian husky ni Aren.
Dahan-dahan siyang bumaba sa tubig at lumangoy sa ilalim kung saan hindi siya makikita ni Yuwe. Para namang nakaramdam si Yuwe, tumingin ito sa likuran niya at nang walang makitang tao ay bumalik sa pakikipag-laro sa mga aso. Habang nakikipag-laro si Yuwe ay biglaan na lamang nagtakbuhan palayo ang mga aso at takang muling lumingon sa kaniyang likuran si Yuwe ngunit walang tao doon.
Maliligo na sana siyang muli ng isang matitipunong braso ang bigla na lamang yumakap sa kaniya palubog sa tubig. Umangat siya muli at kaharap na niya ang nakangising muka ni Kennedy Fortuno. Binigyan ito ni Yuwe ng isang mapang-akit na ngiti.
Hindi naman niya ito papatulan, no, mahal niya si Yuya kaya hindi niya ito pagtstaksilan. Na-dare lamang siya ng sabihin ni Alyuna na hindi niya ito maaakit at hindi siya niti titingnan kahit sulyap. Nainsulto siya dahil doon at handamg iprove siya na nagkakamali siya.
Kaya heto ngayon, inilalapit niya ang muka sa muka nito upang akitin ito at patunayan na kaya niyang iseduce kahit sino.
"Gusto mo bang... lumangoy?" May halong pang-aakit na bulong niya sa tenga nito.