6TH SHOT

66 2 2
                                    

A/n: At muli ay napagtripan nanaman ng team na gumawa ng one shot. At si rune saito ay talaga naman na kinantyawan ako. Kasi daw wala pa akong one-shot for this season. Ang plot ay ginaya ko lamang po sa isang video na napanuod ko at naisip na bagay sa sitwasyon nina Al at Minuru at Aren. Inalter ko lamang ang ilang sitwasyn para hindi magaya ng husto kaya flow lang ang susundan ko.

At ayan. Tapos ng brain storming ay eto ang gagawin ko.

Title: Proposal
Genre: Drama/Romance/Hurt
Warnings: None -> syempre minsan wag naman puro brutal hehehe ¥
Character Pairing: Al x Minuru, Al x Aren
Summary: ang akala ni Minuru ay siya ang ikakasal.
"At ako Al... sino ako?"
"Just an emcee... for tonight!"

Scene

===========================

Katatapos lamang ayusin ni Minuru ang lamesa upang makapag almusal si Al bago pumasok sa trabaho. Masaya siya dahil nalalapit na ang kasal nila. Isang sikat na news caster si Al at si Minuru naman ay isang model na nag guguest din paminsan minsan upang mag Emcee sa ilang malalaking event. Two months ago ay nag propose na sa kanya si Al na siya naman na tinanggap niya.

Paglabas ni Al sa kwarto ay humalik lamang ito sa pisngi niya at sinabing aalis na dahil malelate na ito sa trabaho. Malungkot man ay binalewala na lamang niya dahil alam niyang busy ito. Ngayon pa na iniuugnay ito sa isang kilalang tao na si Aren Aurelio. Isang V.I.P at napakaraming koneksyon sa bansa. Nararamdaman ni Minuru na may interes kay Al si Aren. Pero alam din niyang siya ang mahal ni Al. Hindi ito magpapa akit sa iba...

Tama?

Umupo siya sa upuan dahil siya na lamang sana ang kakain ngunit napansin niya ang isang folder na naiwan ni Al. Alam niya na importante iyon kay Al kaya naman nagmamadali siyang nagbihis at umalis ng bahay upang puntahan si Al. Pagdating sa building ay dumeretso siya sa elevator upang maka akyat sa palapag ng opisina ng kasintahan. Kahit na pinag titinginan ay balewala sa kaniya at malapad ang ngiti dahil siguradong masosorpresa si Al. Hinihintay niya na bumukas ang elevator. Hinihintay niya na lumapag iyon sa ground floor upang maka sakay na siya dahil excited na rin siyang mapuntahan si Al. Matapos ang sa pakiramdam niyay napakahabang panahon ay lumapag ang elevator at dinig niya ang pamilyar na tunog nito.

Nang bumukas iyon ay pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Ang kaninang malapad na ngiti ay naglaho at napalitan ng pagkagulat at sakit. Kita rin niya ang gulat sa muka ni Al at nang taong hawak nito sa bewang.

Si Aren Aurelio.

Ngunit kung gaano sila nagulat ay gayun din kabilis nawala iyon at napalitan ng ngiti na parang walang nangyari. Parang wala siya sa harapan nila at parang hindi niya nahuli ang dalawa na naglalambingan sa elevator. Paglabas ng dalawa ay sadyang binagga siya ni Al sa balikat. Ngunit dahil sa sakit at pagkagulat ay binalewala niya iyon.

Mas masakit ang ginawa nitong pagbalewala sa kaniya at parang hindi siya kilala.

Bakit? Ang naisip niya.

Bakit nagawa ito ni Al? Alam niyang naging tapat siya dito at nagmahal ng lubos.

Tinext niya ito na mag usap sila at ang reply naman nito ay mag usap sila sa likod ng building kung saan walang tao. Dalawang oras siyang naghintay bago ito nagpakita at sa pagkakataon na iyon ay lumuluha na siya.

"Bakit ka ba nagpunta dito? Hindi ka dapat pumunta dito!" Galit na bungad ni Al kay Minuru ngunit natigilan din ng mapansin ang mga luha sa mata nito.

"Anong ibig sabihin noon Al? Anong ibig sabihin ng nakita ko? Ikaw at si Aurelio!?" Galit na tanong niya dito. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at nakiusap.

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon