A/n: Sneak peak sa buhay ni Yuri!!
=========================
RYOUJI
Alas ocho ng umaga nang magising ako. Ano nga bang ini expect ko sa umaga kapag nagigising? May almusal na nakahain sa lamesa, nakahanda ang aking pampaligo, nakaayos ang aking damit na susuotin.
Pagpunta ko sa kusina ay wala pang almusal... walang naghahain... walang nagluluto. Napabuntong hinonga ako, wala na nga pala ako sa mansyon. Pero ako ang guest. Sana manlang asilasuhin ako ng magaling kong host diba? Inis na buntong hininga ang ginawa ko. Nasaan na ba ang magaling kong host at hindi nagluluto?
Padabog na bumalik ako at kinatok ng malakas ang kwarto nito. Ilang katok pa na malalakas ay sumagot na ito.
"Sandale! Nar'yan na!" Inaamtok na sagot mula sa loob.
Ano kayang oras natutulog ito at mukhang puyat? Pagbukas ng pinto ay isang lalaking mugto ang mata. Magulo ang buhok at nakaboxer lamang ang humarap sa akin.
"Goodmorning Host! Umaga na, baka nais mo nang gumising?" Pasarkastikong wika ko. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa bago sumagot.
"At bakit? May problema ba?" Magkahalong inis at pag aalala na tanong niya. Aba! Bakit daw?
"Bakit? Umaga na po Host! Nagugutom na ako." Sagot ko naman. Wala pa yata ito sa sarili dahil tinitigan lamang ako nito at hindi nagsalita. "Ano na?" Dugtong ko pa nang hindi siya magsalita.
"May pagkain doon sa kusina. Magbukas ka ng delata." Sagot niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Ano daw?
Ako? Magbubukas ng de lata?
"Hindi ako kumakain ng de lata... hindi ako kumakain niyan unless no choice. Hindi ako kumakain ng hindi maayos na pagkain sa umaga." Iritadong sagot ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at halatang naiinis.
"Mag luto ka! May pagkain sa ref. Namili na ako." Balak na niyang bumalik sa loob kaya hinigit ko siya sa braso ng malakas palabas ng kwarto nito deretso sa matipuno kong dibib. Ehem! Hinigit ko pasara ang pinto ng kwarto.
"Ikaw ang host! Kayo ang nagdala sa akin dito kaya obligasyon ninyo ako. Ngayon nagugutom ako kaya ipagluto mo ako... o hindi ka marunong magluto?" Ang huling binanggit ko ay pang aasar lamang ngunit hindi ko inaasahan ang magiging sagot niya.
"Ano... hindi ako marunong magluto." Sagot niya.
The Fvck?
"Dammit! Ibig sabihin ako lang pala ang marunong magluto dito? Asan yung dalawang babaeng mahadera?" Asar na tanong ko. Tumaas ang kilay niya. Marahil ay dahil sa sinabi kong mahadera. Totoo naman. Maghapon ay wala akong narinig sa kanila kundi pagchimisan ang buhay ni Host at kinababaliwan nitong Yuwe ang pangalan. Kung sino man iyong tangang iyon na tinanggihan at ipinag tabuyan ang demonyitong anghel na may mapupulang labi na ngayon ay prenteng nakasandal sa dibdib ko.
At mukhang walang balak umalis? Nice!
Bumuntong hininga ako.
Hindi noon mababago ang katotohanan na ako ang magluluto.
"Fine! Ako ang magluluto. Pero... umalis ka muna sa dibdib ko. Mukhang relax ka dyan eh." Nakangising wika ko. Muling tumaas ang medyo makapal na kilay nya. Bunutin ko kaya iyan? Nakaka irita talaga
"Bitawan mo muna ang braso at bewang ko. Kanina ka pa eh."
Oo nga naman!
"Okay! Okay!" Binitawan ko ang beywang niya ngunit hindi ang braso. Higit ko siya patungo sa kusina at iniupo siya sa harap ng mesa. Hinanap ko ang chopping board at kutsilyo at ipinatong sa harap niya. Hindi siya nakapagsalita nang gawin ko iyon. Kinuha ko sa ref ang brocoli at sibuyas at bawang. Inilabas ko din mula sa freezer ang beef at ibinabad iyon sa tubig. Kinuha ko ang rice cooker at nagsimulang magsaing. Sa lahat ng ginawa kong iyon ay nakatitig lamang siya sa akin.