Behind the Mask

29 2 1
                                    

Nakatayo lamang si Yuan habang nakatingin sa bangkay ng taong nagtangka sa buhay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo lamang si Yuan habang nakatingin sa bangkay ng taong nagtangka sa buhay niya. Hawak niya sa kamay ang mga natirang karayom na kaniyang ginamit upang lumaban dito. Base sa damit ay tattoo nito ay isa ito sa mga kalaban nina Reigh o taong gustong ilayo siya dito. Magaling ito at mahirap kalaban; hindi siya nakaligtas na walang pasa at ilang sugat ngunit walang hindi kayang gamutin ng simpleng gamutan. Kung bakit siya pinapapatay ng mga ito ay hindi niya alam. Sa mga kilos at galaw nito ay alam niyang isa sa pinakamagagaling ito. Isa lamang ang ibig sabihin nito kaya ang ipinadala ay ang pinakamagaling upang patayin siya.

Alam nila ang kakayahan niya at kung anong klaseng mga tao ang nagsanay sa kaniya at takot silang pumalya.

Tatlong oras pa bago dumating si Reigh at may oras pa siya para linisin ang buong bahay. Pagdikit dikitin ang mga nasirang gamit. Isang lihim ang pinakaiingatan niyang malaman ng lahat. Kung si Yohan ay hindi marunong magluto...

Hindi naman siya marunong mag-ayos ng bahay. Oo nakakapag linis siya, laba, luto at ano pa noong bata pa siya at hindi pa nangyayari ang lahat. Pero ang hindi magdekorasyon ng kahit anong bahay. Umaasa lamang siya sa iba pagdating doon dahil color blind ang kalahati ng kaliwang mata niya. Bagay na nagagamit niya sa pakikipaglaban.

Kapag ipinikit niya ang kaniyang kanang mata at tumingin siya ng patagilid ay nakikita niya ang mahinang parte ng kalaban dahil kulay grey ang parteng iyon. Ngunit pagdaan ng panahon at sa tulong ni Aren ay nasanay siyang gamitin iyon ng hindi ipinipikit ang kanang mata.

Napansin niyang basag ang paboritong base ng Mama ni Reigh at nahati ang lamp sa tabi ng T.V. may hiwa ang sofa at isang throwpillow at ang paa ng mataas na lamesa na may display ng mga litrato ay putol na rin. Una niyang ginawa ay itinapon ang bangkay sa malayo bago nilinis ang nagkalat na dugo bago kumuha ng packing tape...

At itinape lahat ng nasirang bagay upang magdikit-dikit. Pati paa ng lamesa. Sa loob niya nilagyan ng tape ang nahating vase at pinaikutan ang lampara. Napabuntong hininga siya matapos ang lahat. Nagsimula na siyang maging tamad simula nang makilala si Reigh dahil literal na pinagsilbihan siya nito na parang isang Prinsesa. Isang maling epekto ng ginagawa nitong pambebeybi sa kaniya. Napasimangot siya dahil noong si Yohan pa ang kasama niya ay kumikilos siya sa bahay kasama sina Koibito. Si Yohan ang prinsesa dahil hindi ito marunong magluto, maglinis, maglaba o ano man. Nasisira lahat ng hawakan nitong gamit sa bahay.

Naisip niya. Paano kaya ito nabuhag mag-isa noong palayasin ito? Matutulog lang at kakain sa karinderya?

Ahh, palaboy nga pala siya sa lansangan bago siya bigyan ng trabaho ni Mark bilang... lover nito.

Naalala niya si Mike...

Hindi niya naranasan na maging prinsesa dito noon. Pero sa tuwing magniniig sila ay ipinararamdam nito na mahal siya nito.

Ang kaisa-isang nais niya sa buhay ay ang ituring siyang espesyal. Iparamdam sa kaniya na espesyal din siya tulad ni Yohan na pinahahalagahan ng lahat. Siya, nabubuhay sa anino ng iba. Sa anino ni Yohan na tunay na may-ari ng mukhang taglay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon