8TH SHOT

43 3 1
                                    

A/n: Eto po ang one shot na napanalunan ni RuneSaito sa aming pustahan. Hehehe!!

At ang napili ko ay si!!

GUNTER AT KURT!!

♡♡♡♡♡♡♡♥♥♥♥♥♥

Tahimik ang paligid at napakapayapa. Ang simoy ng hangin ay masarap damhin habang ito ay dumadampi sa aking mukha. Katulad niya na masarap damhin kapag kami ay magkasama, noong kami ay magkasama.

Noong siya ay katabi ko pa.

Si Aren ang nagturo sa akin ng puntod kung saan siya nakahimlay.

Naalala ko ang lahat lahat...

Ang gabi na aminin namin ang pag ibig sa isa't isa.

Malinaw na malinaw

FLASHBACK

"Kurry! Dali pakikilala ko sayo yung katrabaho ko!"

Napabuntong hininga ako nang walang gana na tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa upuan sa harap ng computer KO! Isa't kalahating oras na siya doon at hindi parin natatapos sa pag uupload ng picture ng dalawang taong gulang na bunsong kapatid niya. Hindi ko makuha ang kawirdohan nang taong ito sa totoo lang. wala siyang ibang friends doon maliban sa akin. Oo, ako lang. Naka private ang account niya at wala, as in WALA, siyang in accept na iba as friends at ang picture ng bunsong kapatid niya doon?

One thousand three hundred fifty nine

Sa isang album palang iyon. At kada buwan simula nang ipanganak ito ay meron siya. Yes, go figure, kung gaano kadami iyon lahat. Ganyan siya ka possesive at kapraning sa kacutan ng bunsong kapatid niya. Hindi kayo maniniwala...

Sa tabi niya natutulog si Little Yoyo kapag gabi. Ilang beses nilang pinagtalunan niya at kung ilang gabing sumakit ang ulo ng Papa niya at ilang gabi akong puyat! Hinde, weeks.

Weeks!

Malaki ang agwat ng taon ni Kurt at isa pa nitong kapatid kesa sa bunso nila kaya ganoon nalang umakto ito. Bukod pa sa napakacute na bata nito. Hindi ko matandaan kung ilang beses din akong naging referee ng magkapatid na iyon para lamang malaman kung sino ang mag aalaga sa bata.

Parang nagdadalawang isip na sumunod sa akin pababa si Kurt. Napapailing na lamang ako dahil ayaw na ayaw niyang naiistorbo kapag nagkakalikot siya ng picture ng kapatid niya sa fb. Kawawang Yoyo. Mukhang mahihirapang magkasyota ang batang iyon.

Gayong ang tingin ni Kurt sa kanya ay little girl. Gustong gusto niya na magkaroon ng kapatid na babae.

Pagbaba ay agad na ipinakilala ko si Kurt sa aking bisita. Actually ay hindi ko siya katrabaho. Mas madaling sabihin na trabahador namin siya sa kasosyong negosyo ni Daddy. Ang Royale Hotel.

"Kurt siya si Becca, manager sa hotel, siya ang magpapasok sayo sa trabaho... kung talagang desidido ka na mag working student." Pakilala ko. Nagkamay ang dalawa at saka naman namin napansin ang binatilyong kasama nito.

"Ahh, siya si Aidan, anak ng may ari ng hotel... sasamahan ko kasi siya sa paghahanap ng project niya."

Hindi din kami ganoon katagal na nakipag usap sa babae at umalis na ito. Tahimik lamang ang batang si Aidan, magalang, marespeto at masiyahin. Siya pala ang tumulong kay Becca na makapagtrabaho sa hotel at siya din ang tutulong kay Kurry ko.

Pagbalik sa kwarto ay nakaharap nanaman ito sa computer. Mahirap kuhanin ang atensiyon nito kapag ang kaharap ay picture ng kapatid ngunit kahit papaano ay nagsasalita ito. Ngayon ay kakaiba ang katahimikan nito.

Ano kayang ikinaiinis nito?

Tumayo ako at inilapit ang aking ilong sa leeg nito malapit sa collar bone at bahagyang kinagat iyon.

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon