4TH SHOT

354 5 10
                                    


Para po ito kay youkiyama167. Ang video po ay... ayaw mag play dito sa wattpad kapag gamit ang cp, hayyy...

Sana po ay magustuhan ninyo at ni youkiyama167 at kaniyang mga kaibigan salamat po sa walang sawang suporta ninyo.
kapag po hindi nagplay ay ito po ang link

https://www.youtube.com/watch?v=R9FgGJp-6ak

♡♥{ EVERYTHING I DO }♥♡

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Noong makilala ko si Yohan ay bata pa kami, nag-aaral sa elementarya. Isa siyang napaka-gandang batang lalaki, inosente, masayahin... at hinahangaan ko siya.

Oo, isang paghanga.

Pero dahil may mga barkada akong lalaki na lagi kong kasama ay natatakot akong ipakita. Natatakot akong ipaalam sa kaniya dahil baka magalit sila, baka layuan nila ako, baka tuksuhin at asarin. Isang araw ay sinabi sa akin ng mga kaibigan nito ang tungkol sa pagkakagusto niya sa akin, labis na tuwa ang naramdaman ko sa aking puso. Labis na ligaya, ngunit naroon ang mga kaibigan ko ng sabihin nila sa akin ang tungkol sa nararamdaman ni Yohan para sa akin.

Pinag-tawanan nila ito at ikinainis. Gusto ko silang saktan ngunit natatakot ako sa maaari nilang gawin. Kaya napilitan akong saktan siya, dahil sa utos ng mga kaibigan ko, dahil kapag hindi ko ginawa ay lalayuan nila ako.

Kaya sinaktan ko siya.

Sinaktan at ipinahiya, sa harap ng lahat ng kapwa ko estudyante, sa harap ng maraming tao.  Ngunit bawat sakit na ibinibigay ko sa kaniya ay dobleng sakit ang idinudulot sa aking puso, sa aking isip. Dumating si lolo Ramon at kinausap ako, humiling siya sa akin ng isang bagay.

May kasama siyang isang lalaki noon.

Ang kasama daw nito ay ang tinatawag na Crow ng grupo na nakatakdang salihan ko, ako ang magiging orihinal na nightwatcher habang ang lalaking iyon ay magpapanggap na crow habang ako ay bata pa. Sinabi nilang wala pa rin sa edad ang tatayong pinuno dahil binatilyo pa lamang ito.

Dahil nalaman nila na kaeskwela ko ang regalo sa pinuno ay ako ang naatasan na magbantay at magmanman dito, alamin ang lahat tungkol dito at bantayan ito sa bawat araw. Simula noon ay binantayan ko na si Yohan, bawat oras, bawat araw, sa kaniyang pagtulog, sa kaniyang pag-gising, sa lahat ng nangyari sa kaniya ay naroon ako.

Bawat sakit na naranasan niya ay nakita ko.

At sa bawat araw na dumaraan ay nakikilala ko siya, kung sino talaga siya, kung gaano kabuti ang puso niya... kung paanong sa bawat araw ay nahuhulog ako ng husto sa kaniya.

Habang binabantayan ko siya ay sinasanay din ako, sa pakikipaglaban, sa pagpapanggap, sa lahat ng bagay na kakailanganin ko.

Naroon ako noong araw na pagsamantalahan siya ng mga lalaking bangag sa droga. Inaamin ko na ako ang naging dahilan kaya nahulog siya sa kadilimang iyon. Gusto ko lamang takutin siya, naiinis ako sa kaniya dahil sa pagpatol niya sa Randy na iyon, gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano siya katanga.

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga nangyari.

At noong araw din na iyon, noong mawala ang lahat ng bumaboy sa kaniya... ay inangkin ko siya. Gusto kong burahin ang lahat ng dumi na inilagay nila sa kaniya, gusto kong maramdaman kung paano ang ibigin siya.

At pagkatapos noon ay bigla na lamang siyang nawala. Hinanap ko siya kung saan-saan, hanggang sa makita ko siya na kasama si Mark.

Si Mark na iniibig niya.

Si Mark na gusto niyang makasama.

Si Mark na minamahal niya ng tunay.

Sobrang sakit at hapdi ng nararamdaman ng puso ko na labis na umiibig sa kaniya. Gusto kong patayin si Mark, gusto kong patayin si Brent, gusto kong patayin si Lion.

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon