10TH SHOT

53 3 2
                                    

A/n: Ang one shot na ito ay tungkol sa AlRen pairing. Walang nag request nito kundi ako lamang ahaha!!

Isa sa mga naiisip ko'ng ideas!

AlRen: ang pinakamalaking balakid

<♡> {♥} <♡> {♥} <♡> {♥}

Nakahiga si Al sa napakalaking kama at hindi niya malaman ang gagawin. Hindi siya makatulog dahil napakarami niyang iniisip, mga bagay-bagay na nagpapagulo ng buhay may asawa niya.

Akala niya noon ay kapag may asawa na ang isang tao ay masaya na, wala nang problema, tapos na ang paghihirap bilang magkasintahan dahil napatunayan na niya na mahal talaga niya si Aren. Ngunit hindi pa pala natatapos doon ang lahat. Napakadami nilang pinag-daanan na mag-asawa at napunta pa sa punto na muntik na silang maghiwalay. Akala niya ay nalampasan na nila ang lahat... ngunit nagkamali siya. Dahil narito ngayon ang patunay na hindi pa doon natatapos ang lahat ng kanilang problema. Balewala ang lahat ng iyon kung ikukumpara sa problemang kanilang kinakaharap ngayon na hindi nila masolusyonan at hindi magawang gawan ng paraan. Kumatok sa kanilang pintuan at walang pasubaling nag pagulo at nagpagimbal sa tahimik niyang mundo.

Ini-angat ni Aren ang kamay upang siya ay yakapin ngunit hindi nito nagawa dahil hindi ito makagalaw sa kinahihigan. Kahit katiting upang magdampi ang kanilang daliri ay hindi nito magawa dahil sa kalagayan nito. Pumikit si Al at kinagat ang labi upang pigilin ang sarili. Naaawa siya sa sarili, naaawa siya kay Aren pati na sa mga taga silbi na hindi malaman kung saan pupunta at kung ano ang gagawin sa sitwasyong ganito. Sino nga ba ang makakagawa ng paraan sa napakalaking problema na ito? Wala dahil kailangan pang hanapin sa ibang bansa.

Muling bumuntong hininga si Al at sinulyapan ang mukha ng asawa na nasa kaniyang tabi. Alam niyang gising ito at nakapikit lamang, nagtitiis lamang at kinakaya ang lahat ng ito. Alam din niyang sa kabilang banda ay napakasaya nito kahit pa nasa ganito siyang kalagayan at nahihirapan. Hindi makatulog at napupuyat dahil sa ganitong pangyayari.

Malamig ang gabi at ang mga ganitong panahon ang gustong gusto niya upang makasiping ang pinakamamahal na si Aren Aurelio, matatag at matayog, walang inuurungan, walang kinatatakutan, walang aatrasan. Maliban ngayon sa kalagayan nito. Hindi makatayo, hindi makagalaw o kahit huminga ng maluwag ay hindi nito magawa. Alam niya na hirap na ito, hirap sa pwesto, hirap na nasa ganoon lamang siyang posisyon ngunit nagtitiis lamang.

Tinitiis ang lahat para sa malaking problema na yakap-yakap nito.

Ang problema na nagngangalang Yuwe.

Oo!

Si Yuwe!

Si Yuwe na isang malaking balakid sa pag-iibigan nila ni Aren Aurelio.

Bakit ba kasi ayaw pumayag nito ni Aren na ipakasal na sa dalawang asungot ang kapatid eh. Ano pa bang patunay ang hinihintay nito eh halos magpakamatay na ang dalawa para kay Yuwe! Kailangan pa mamatay muna? Paano pa ito mapapakasalan? Maghahanap ulit ng bago at maghihintay nanaman ng matagal bago mamatay ulit bilang patunay! Eh kung ikulong nalang kaya si Yuwe sa isang glass box at idisplay sa gitna ng manor? Pwede yon! Nasa paningin niya lagi ito at kahit magpakasal ito ay hindi ito mahahawakan ng mapapang asawa. Ano bang tingin ni Aren sa kapatid? Virgin Mary? Eh ilang beses na ngang itinakas ni Minuru at Patrick iyan para masolo ay maka-

"Ituloy mo iyang sinasabi mo at sa labas ng manor ka matutulog Al."

Natigilan si Al sa pag-iisip. Hindi niya alam na malakas na niyang nababanggit iyon. Napabuntong hininga siya at sakalulugo lugong inilaylay ang ulo sa gilid ng kama. Kita nyo na? Talagang napakalaking balakid niya sa kanila ni Aren.

Mula nang umuwi ito galing sa tinitirahan nila nina Minuru at Patrick na luhaan at bitbit ang isang maleta ay hindi na niya nasolo ang asawa.

Noong una ay okay lang.

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon