9TH SHOT

42 3 2
                                    

A/n: Request mula sa otor ni Aren Aurelio at Niniro Fortuno!!

Koibito x Aren pairing!

Sa picture po, si Koibito sa kaliwa, si Aren sa kanan.

[[IT'S ALWAYS BEEN YOU]]

《♡》 《♥》 《♡》 《♥》

Two months...

Dalawang buwan na mula nang nawala si Al at mawalan siya ng balita dito. Hindi niya alam kung paano ito makikita at somehow... sumusuko na ang puso niya. Lagi nalang itong mawawala ng walang paalam at walang contact kahit text man lang. Dalawang buwan na rin mula nang mag away ang tatlo nina Patrick, Minuru at Yuwe sa hindi niya malaman na dahilan. Narinig na lamang niya ang pagkabasag ng mga gamit at sigawan. Ang naintindihan lamang niya ay ang pag alis ni Minuru pero hindi malinaw. Galit si Yuwe kay Minuru at Patrick at galit si Patrick kay Yuwe at Minuru at ganoon din ang sitwasyon kay Minuru. Galit din ito sa dalawa at hindi niya malaman ang totoong dahilan. Bumuntong hininga siya dahil sa gulo ng pangyayaring iyon. Nag alsa balutan si Yuwe na sinubukan niyang pigilin pati nina Minuru at Patrick ngunit hindi din napigilan. Matapos ang pag alis na iyon ay nagbalot din ng gamit si Minuru at miserableng umalis ng manor. Nagdedesisyon pa lamang na umalis si Patrick ay pinigilan niya ito. Wala itong nagawa sa utos niya na wag itong umalis.

Simula noon ay hindi na bumalik pa si Yuwe. Walang naka-aalam nang kinaroroonan nito o kung nasa bansa pa ito. Hindi na rin nagparamdam pa si Al at wala siyang makuhang balita kung buhay pa ito o...

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang bumukas ang pinto.

"Nag-iisip ka nanaman?" Tanong ng baritonong boses na iyon.

"Koibito... may kailangan ka? I mean Patrick." Pag iiba niya. Dahil iyon lagi ang tawag dito ni Yuwe ay parang nasanay siya na minsan ay tawagin itong ganoon. Mapang inis na ngumisi ang bagong dating saka lumapit sa kaniya.

Sobrang lapit.

Napasandal siya sa bintana kung saan siya nakasilip kanina lamang at napakagat labi. Nitong nakaraan ay walang tigil ito sa pagsunod kung nasaan siya, ipag luto siya, biglang lalapit na akala mo ay may tinititigan sa mukha niya at sa pamamagitan lang noon makikita.

"You really love calling me beloved huh?" Mapang akit na wika nito. Ang mga labi ay napakalapit sa labi niya na kagat kagat ng kaniyang ngipin.

"A-ano bang... si- sinasabi mo?" Nauutal na wika niya. Sino nga ba naman ang makakapag compose ng sarili kung ganito kalapit ang kausap mo. Na konti na lamang ay mahahalikan ka na.

Iniangat nito ang kamay at ang daliri ay inilapat sa kaniyang labi, marahan na hinimas iyon hanggang matanggal ang ngipin niya doon.

"Mas maraming... nakatutuwang bagay ang maaring pag gamitan ng malarosas na labi'ng iyan kesa sa kagatin at masugatan," sabi nito. Lumapit pa ito kaya napahawak na siya sa mga braso nito dahil ayaw niyang mapadikit sa bintana at makapitan ang damit ng alikabok doon.

"Ano namang pakelam mo sa labi ko?" Alam niyang nonsense ang tanong niya ngunit hindi siya makapagtanong ng tama dahil sa sitwasyon nila.

"Kase, Mister Aren Aurelio... ako ay simpleng tao lamang na, oo nga at kaya ko'ng pantayan ang yaman mo at karangyaan pero... isang simpleng tao parin ako, na naghahangad na mahagkan ang mga labi mo na ang mga gods, godesses, diety lamang ang may karapatan." Matalinghagang sagot niya. Nanlaki ang mata ni Aren sa binigkas na iyon ni Koibito.

"Teka... ano?" Naguguluhang tanong niya.

"Hindi ko alam, Aren Aurelio, kung ano ang nasa isip mo at nagawa mo'ng mahalin ang isang Al. Tsk! Wala siyang karapatan sayo Aren, ako, oo at mababang uri lamang ako na nilalang kumpara sa mala diyos mong antas, pero... naghahangad ako na mapansin mo, katulad nang pagpansin mo kay Al." Naguguluhan si Aren sa mga pinag sasasabi nito. Diba ay si Yuwe ang mahal nito? Bakit sinasabi nito ang mga bagay na ito sa kaniya?

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon