2ND SHOT

930 8 8
                                    

A/n: another one shot na pinag-uusapan namin ng Team Collab.

Si runesaito  ay gagawa ng Aidan/Yuuta pairing.

Si princekingAldrin well hindi ko pa po alam, hehehe wait nalang natin.

Another oneshot from YOHAN universe.

Sweet brother/bunso moment. Walang spg ngayon.

Next chap na ano ba kayo! Puro spg na nga laman ng utak ko eh!!!

♡♡ A Brotherly Love ♡♡
       (Aren's Heart)

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Hindi naranasan ni Aren na magkaroon ng kapatid kaya ganoon na lamang ang suporta at pag-aalaga na ginawa niya kay Yohan noon.

Handa siyang gawin ang lahat para dito. Ubusin ang kayamanan niya upang mahanap ito ng ito ay mawala ng limang taon, gamitin ang koneksyon niya upang alamin ang katotohanan para dito. Pakilusin lahat ng tauhan pati mga kaibigan upang protektahan ito, kahit pa alam niyang maaring malagay sa panganib ang buhay ng mga ito.

Ilagay sa panganib ang sariling buhay para dito.

At baliin ang obligasyon na kaylangan niyang gawin dahil dito.

Dahil hindi niya kayang mawala ito, ang makitang hindi ito humihinga.

Lalo na ang mamatay ito sa mismong mga kamay niya.

Itinuring na niya itong tunay na kapatid at ngayon na nagbabanta nanamang lumitaw ang nakaraan nito ay handa siyang gumawa ng pader na bato upang hindi makaraan ang mga ito at makanti kahit dulo ng daliri ng taong napakahalaga na sa kaniya.

Ang ngayon ay tahimik at masaya ng buhay nito kasama ang... walang silbing lover nito na wala manlang yatang sweetness sa katawan.

O hindi lamang niya nakikita.

Kahit pa, hindi parin niya matanggap na inalok nito ng kasal ang kapatid na magsisimula palang sana siyang i-spoiled.

Sabagay... hindi naman ito dahilan upang hindi matuloy iyon. Pwede niya itong ma-spoiled kahit nariyan pa yang... Yuya na yan.

Ano nga ba ang hindi niya kayang gawin para dito? Para kay Yuwe?

Wala.

Wala siyang hindi kayang gawin.

Wala.... tama?

Maliban sa pagkain ng luto nito na ngayon ay nakahain sa harap niya.

Hindi niya maisip kung saan nito natutunan ang lahat ng luto na ginagawa nito, sino ang walang silbing nilalang ang nagbigay ng mali-maling recipe dito?

Papatayin na niya ito ngayon palang.

Ngayon mismo.

Ang Adobo nito.... ay pinaghalong manok, ketchup, hinog na papaya, dahon ng ampalaya, toyo, repolyo at....

.

.

.

.

.

Panginoon patawarin...

.

.

.

.

Pakwan.

Hindi niya alam kung saang parte ng katawan niya ilalagay ang pagkain na ito na nakahain sa harap niya.

Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang mata nito. Matang nakangiti at napakasaya, matang umaasa na makita siyang ngumiti dahil sa luto nito.

Na hindi nito alam na nakamamatay.

Kaya ba talaga niyang saktan ang damdamin nito? Tiisin ito?

At sa tabi niya ay may demonyong bumubulong.

"Hanggang saan mo kayang saktan ang kapatid mo... aren? Kaya mo bang makitang muli siyang lumuha dahil hindi mo nagustuhan.... ang sorpresang inihanda niya para sa iyo?" Ang bulong ni Yuya sa kaniyang tenga.

"Ang sama mo, sasaktan mo si yuwe dahil diyan sa simpleng bagay na iyan? Bakit ganyan ka?" Ang sabad ni Charmer.

"Ang taas pa naman ng tingin ko sayo, sayang!!" Ang ambit ni Alyuna.

"Nakakapanghinayang talaga." Pangongonsensya ni Kenn.

At nang tingnan niya ang mata nito ay unti-unti nang nawawala ang saya doon.

Kaya nga ba talaga niyang saktan ito?

Kaya ba talaga niyang itulak palayo.... ang pagkain na niluto nito?

Pagkain na mukang nararapat ipakain kay Aidan and company.

Panginoon.

Patawarin mo ako sa aking kasalanan...

Mahal ko po talaga ang yo-yo ko, ang bunso kong kapatid.

Kinuha niya ang kutsara at sumandok, habang sumasandok ay nakita niya ang pagbabalik ng ngiti nito.

At naisip niya.

Oo, kaya niyang gawin ang lahat para sa kasiyahan nito, nungkang kainin niya ay lason, kung iyon ang ikaliligaya nito.

Ngumiti siya at isinubo ang laman ng kutsara.

"Ang sarap nito, salamat yuwe... kayo? Mahal ninyo siya diba? Kung mahal ninyo siya, kakain kayo kasama ko, diba mahal ninyo si Yuwe ko? Ang bunso ko? Diba ikaw din... yuya?"

Nagtagumpay siya.

Si Yuwe talaga ang pinakamamahal niyang bunso.

Dahil halos mawalan na ng dugo sa pamumutla ang lahat ng kaibigan niya at si Yuya.

Revenge is sweet kapag si Yuwe ang gumawa.

"I love you bunso!"

At binigyan niya ng napakahigpit na yakap ang itinuturing na kapatid.

Habang maiiyak sa pagsisisi ang lahat ng kaibigan niya at masama siyang tinititigan ni Yuya.

Alam niya, pinlano nila ito.

Pero hindi siya papayag na magdusa mag-isa

Kaylangan sama-sama sila.

I love my life...

Pagbalik ni Al... burol na ang kaniyang matatagpuan.

♧♧♧♧♧♧♧♧♧☆♧☆☆☆☆☆

Another one-shot para sa inyo.

Sana hindi boring.

Brotherly love. Simple pero malalim ang kahulugan. Kayo? Anong kaya ninyong gawin para sa mahal ninyo?

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon