11TH SHOT

50 2 2
                                    

A/n: Eto po ang kasunod, sequel, sa one shot na AlRen: ang pinakamalaking balakid.

AlRen: Si Al si Aren at ang Threesome

Short summary: Akala ni Al ay okay na ang buhay niya.

[♥] [♥] [♥] [♥] [♥] [♥] [♥] [♥]

Masarap mabuhay kapag kasama mo ang iyong mahal.

Matutulog na magkayakap sa gabi matapos ng isang mainit na pag-niniig. Gigising sa umaga at ang mukha niya ang iyong makikita. Yayakap ka sa kaniya at gigisingin siya sa pamamagitan ng halik, kiliti, o kung ano man ang maisip mo na romantiko sa umaga.

Pero ang umaga na ito ay hindi isa sa mga umaga na iyon.

Nagising si Al na nag-iisa sa kama. Walang Aren, walang kiss, walang yakap, walang goodmorning. Akala niya ay okay na matapos niyang patakasin ang tatlo upang masolo ang isa't isa at makapagrelax na walang Aren Aurelio na nakasunod sa bawat kilos nila.

Pero hinde.

Ang magaling niyang asawa, tinawagan ang buong Team Gold upang huntingin ang tatlo at ibalik sa manor bago sumikat ang araw. Inutusan at inistorbo ang tahimik na buhay ng mga ex-knights, si Brave at lahat ng maaring matawagan nito. Meaning... full Aren Aurelio Force. Ano nga ba ang Aren Aurelio force? Simple lang naman. Lahat lang naman ng koneksyon meron siya ay ginamit niya upang makita ang tatlo at maibalik sa manor bago magliwanag

Nagulat na lamang siya na nagdatingan ang mga N.B.I kasama si Minuru, si Patrick at ang gwardiyadong si Yuwe. Natatandaan pa niya ang nasambit niya nang dumating ang mga ito nang alas tres ng madaling araw.

Panginoon ko... baliw yata ang asawa ko.

Pero hindi naman. Matino siya at walang kulang, walang ano man na magsasabing baliw ito. Sadyang ayaw lang talaga niyang madampian kahit dulo ng daliri ang kaniyang nag-iisang kapatid... saan nga ba? Sa ama? Sa ina? Ah! Sa kaibigan ng ama. Ang gulo. Pero ang alam ni Al ay hindi naman tunay na magkapatid ang dalawa.

Baka... may lihim na pagtangi ang kaniyang asawa kay Yuwe?

No! Hindi ganon iyon! Ano bang naiisip mo Al?

Iniumpog niya ang ulo sa headboard ng kama. Sinisisis niya sina Minuru at Patrick dahil nagpahuli pa ang mga ito kay Aren. Pare-pareho tuloy silang mga walang napala.

Bakit?

Si Patrick at Minuru ay natutulog sa guest room, siya ay dito sa kwarto nilang mag-asawa... at si Aren?

Ayun, bantay sarado ang kapatid sa kwarto nito. Hindi nilalayuan at hindi iniiwan. Kawawang Al, naiwan nanaman na nakatunganga at naghihintay ng langaw na makakapansin at dumapo sa kaniya. Pero wala naman langaw sa buong manor kaya imposibleng kahit langaw mapansin siya.

Bumaba si Al pagkalinis ng katawan upang hanapin ang pinakamamahal na asawa at dismayado nang makita ito. Ayun, ang magaling niyang asawa ay nakaupo sa tabi ni Yuwe habang ang dalawang asawa nito ay nasa magkabilang sofa. Tumingin sa kaniya si Yuwe na may halong pagmamakaawa at nagpapasaklolo sa kuya niyang nakalanghap yata ng kung ano.

"Bebe A... kahit iwan mo sa cabinet iyang tatlong iyan ay maghapon lang mag-lalampungan iyang tatlo at hindi mabubuntis yang kapatid mo." Matapang na wika niya. Pero sa loob-loob niya ay nag-iingat siya at baka mamali siya nang sabi ay lagot silang lahat pati na kabilang mansyon na hindi naman nila kaano ano.

"Iyon ang isa sa malaking problema Al, hindi magdadalang tao yan, meaning walang tigil, walang humpay, walang pakelam kahit magmukha nang lantang bulaklak ang kapatid ko! Kaya hinding hindi ko siya ibibigay hanggat hindi nila napapatunayan na mahal nila ito."

BOOK OF ONE-SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon