III

2.6K 101 13
                                    

Chapter 3
#OTOSwp

Nakailang kurap lang siya pero hindi niya ako sinagot. Pinagpatuloy ko lang ang pag kain ng kwek-kwek sa hawak kong paper cup.

"Ano kamo 'yon?" Bahagyang napakamot pa siya sa ulo niya.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako ulit nagsalita. "I mean paluan mo ko ng bola," sagot ko. Saka ko lang narealize na wala naman palang pinagkaiba ang sinabi ko ngayon sa sinabi ko kanina.

Ayan talaga napapala ng sumusugod na walang plano.

"Bakit ko naman gagawin 'yon sa 'yo?" natatawang tanong niya. For sure na-we-weirduhan na rin siya sa akin.

"Sorry, basta na lang kasi pumunta dito hindi ko napag-isipan kung paano ko i-e-explain."

Naglakad ako palapit sa kaniya since parang wala siyang balak lumapit sa akin, buti na nga lang ay hindi pa siya nakakatawid dahil kanina pa 'to nasagasaan kung gano'n.

"Napanood kita maglaro no'ng practice game, gusto ko matutunan ma-recieve 'yung ganoong klaseng atake, 'yung ganoong klaseng serve," explain ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko i-interpret ang itsura niya habang sinasabi ko 'yon.

Nakakainis.

Mukha siyang hindi interesado sa sinasabi ko.

"Bakit sa akin ka lumalapit?"

"Malamang kasi ikaw 'yung napanood ko? Ikaw 'yung gumawa no'n?" Hindi ko napigilan ang maging sarkastiko sa kaniya kasi hindi ba obvious? Kakasabi ko pa lang na siya ang napanood ko 'di ba?

"Bakit ako tutulong sa taga-SHU? E kayo nga matinding kalaban ng women's volleyball team namin?" rinig ko ang pagkamaloko sa boses niya.

Naisip ko rin naman 'yan, pero iba kasi talaga ang nagagawa kapag desperado ka, gusto kong mag-improve pa, hindi naman pwedeng stagnant na lang ang skills ko. Kung 'yung grades ko nga nagagawan ko ng paraan para umagat what more sa paglalaro ko.

"Mukhang ayaw mo, okay lang." Tinapon ko ang plastic cup sa may trash bag na nakalagay sa may poste ng kuryente.

Desperado ako pero hindi naman ako namimilit.

Buti na lang pala hindi ko rin masyadong tsinaga na antayin siya between gate 4 and 5, hindi naman siya papayag.

Umasa lang din naman ako na baka sakali e pumayag siya, sa labas naman din kasi ng court ay wala namang samaan ng loob. Kung sila nga nagpa-practice kasama West Hill e. Advantage din para sa kanila makipaglaro sa magagaling para alam na nila ano i-e-expect at ang gagawin sa mga ganoong kalaban.

Pero gets naman kung bakit parang ayaw niya.

Naglakad na ako paalis pero nakalayo na ako nang marealize ko na pakabila pala ako.

Ano ba 'yan sayang naman 'yung pa-walk out ko.

Tumawid na lang ako at doon ako naglakad pabalik para 'di ko makasalubong si Teigan Herrera at dahil na rin hindi ko kabisado rito ay kung saan man ako bumaba kanina ay doon na lang din ako sasakay.

Ang hassle naman.

Di na nga ako uulit!

Pag-uwi ko sa bahay nang gabi na iyon ay nanood na lang ako ng mga games ng West Hill, baka sakaling may katulad maglaro ni Teigan Herrera doon tsaka laging may West Hill sa finals ng men's kaya baka may mas magaling pa sa kaniya. Mas close din naman West Hill sa SHU, as in literal na close pero pati ilang estudyante ay close din talaga, siguro dahil na rin madalas kami-kami rin nagkakasama sa mga party, inuman pati sa bilyaran at mga kainan.

On The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon